Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Lolit naiyak sa liham na ipinadala sa kaniya ni Kris Aquino: “Be kind to her, Love her”

Naging madamdamin ang pagbabahagi ni Lolit sa liham na ibinigay sa kaniya ni Kris Aquino


Madamdaming ibinahagi ni Lolit Solis sa kaniyang Instagram account ang sulat na ibinigay umano sa kaniya ni Kris Aquino.

Hindi nga naitago ni Lolit ang labis na kalungkutan nang ibahagi niya ang sulat na bigay ni Kris lalo na ang nilalaman nito patungkol sa pagmamahal niya sa mga anak niya.

“Umiyak ako sa letter ni Kris Aquino, Salve. Umiyak ako sa parte ng hinihiling lang niya na sana mabuhay siya hanggang marating ni Bimby ang edad na puwede na niya alagaan si Joshua.,” panimula ni Lolit.


Sunod nito ay bahagya niyang idinetalye ang liham na ibinigay sa kaniya ni Kris, aniya na tanggap na umano ni Kris ang malubhang karamdaman niya, kasabay na rin ang kalungkutan na ring nararamdaman niya dahil sa negatibong kumentong natatanggap ni Kris.

“Iyon mabuhay siya para na lang sa dalawang anak niya. Tanggap niya na nahihirapan siya sa kanyang sakit, at talagang napi feel niya kung minsan iyon hirap na hindi na niya makaya at hirap na siya kahit sa pagsusulat.

“I was so sad reading her letter dahil talagang ipinagtapat niya iyon pain na nadarama niya.”

“Nakaka lungkot na negative pa iyon iba sa reaction nila kay Kris at hindi alam kung ano ang pinagda daanan nito sa health niya. Kitang kita mo ang pagpayat ni Kris, sign na talagang may nadaramang sakit,” ani Lolit.

Sa pagpapatuloy pa ni Lolit ay ibinahagi pa niya ang paghanga lalo kay Kris dahil sa kinakaya pa rin nito ang sakit upang hindi pag alalahanin ang mga taong nakapaligid sa kaniya.

“Hanga ka nga sa kanya dahil kinakaya niya ang pain at pinipilit ang katawan para hindi masyado mag alala ang mga tao sa paligid niya,” dugtong nito.

Sa huli ay naki-usap siya na sana’y maging kind at lumambot ang puso ng lahat para kay Kris, nawa’y wag na umano itong i bash ngayon para na rin sa mga anak niya.

“Maging kind tayo kay Kris Aquino, single mother ng dalawang anak na mga hindi pa puwede mamuhay ng wala ang guidance ng kanilang ina. Maging malambot ang puso natin sa kanyang journey sa buhay, gabayan natin para hindi maging mahirap ang lahat para sa pamilya niya.

“Hindi niya kailangan ang bashing, o anuman pagpuna sa ngayon. Sensitive siya dahil ayaw niya na pati mga anak ay maapektuhan. She is worth loving, dahil isa si Kris Aquino sa tutoong tao sa showbiz. Be kind to her. Love her,” ani Lolit.



Lolit naiyak sa liham na ipinadala sa kaniya ni Kris Aquino: “Be kind to her, Love her”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments