Ibinahagi ni Ogie Diaz ang pag-uusap nila ni Vice Ganda kung saan napagalaman niya ang totoong dahilan ng pagkawala niya sa secind seasin ng Idol Philippines
Nitong nagdaang linggo lamang ay ibinahagi na ng ABS-CBN ang buong Judges ng ikalawang season ng singing competition na Idol Philippines.
Ipinakilala nila ang nagbabalik na sina Regine Velasquez Alcasid at Moira Dela Torre kasama ang baguhang sina Gary V at Chito Miranda.
Sa latest showbiz update ni Ogie DIaz ay ibinahagi nito ang latest update patungkol kay unkabogable Vice Ganda.
Naikuwento ni Ogie na kamakailan lamang ay nakausap niya si Vice Ganda at dito nga ay nilinaw ni Vice Ganda ang isyung di-umano’y lilipat na siya sa Kapuso network matapos na makipag meeting siya kay Direk Bobot Mortis na ngayo’y nasa GMA na.

Sa ibinahagi nga ni Ogie ay pinabulaanan umano ni Vice na lilipat na ito, kasabay na rin ang rason kung bakit nawala ito sa ikalawang season ng Idol Philippines.
“Hindi totoong lipat si Vice, tinanong ko rin si Vice kung lilipat na siya at sinabi rin niya na ganun na rin naman,” paliwanag ni Ogie.
Pinatutungkulan ni Vice na umano’y kahit di naman na siya lumipat ay napapanood na rin siya sa GMA dahil na rin sa partnership sa pagitan ng ABS-CBN at GMA kung saan napapanood ang ilang Star Cinema films sa Kapuso.
Maaari ng mapanood sa GMA ang mga naglalakihang pelikula ni Vice Ganda dahil sa naturang partnership na ito ng ABS-CBN at GMA.

Karugting na paliwanag pa nila ang nangyaring pamimigay ni Vice ng pera sa buong staff ng It’s Showtime na hinuha ng iba ay pa despedida na umano niya sa It’s Showtime.
“Iniisip nila na yung P5,000 na pamamahagi ni Vice sa bawat tao sa set e akala nila e yun na ang hudyat ng pamama-alam niya sa ABS-CBN pero hindi, Happy lang siya,” paliwanag ni Ogie.
Matapos nito ay nagbalik sila sa usapan patungkol sa Idol Philippines season 2 kung saan isiniwalat ni Ogie na dapat talaga ay kasama pa rin si Vice.
“Si Vice dapat talaga nasa season 2 siya.. noong nabalitaan niya na sina Sarah Geronimo, Regine Velasquez at siya ang uupo bilang mga hurado.

“E kasi sabi ni Vice na gusto niyang makatrabaho si Sarah… excited siya to work with Sarah.. yun yung nagpa excite sa kaniya para maging hurado ulit.
“Tapos biglang nawala si Sarah.. nabawasan yung excitement ni Vice nung hindi na pumuwede si Sarah.. e kilala ko si Vice, di mapakali yan at na e excite siya sa gagawin niya, so parang di na siya na excite,” paliwanag pa ni Ogie.
Matapos nito ay nai kwento na rin ni Ogie na si Vice pa umano mismo ang nag suggest sa management na kunin si Chito bilang bagong hurado.
“Nai suggest niya si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar para raw may Mass appeal at kapit pa rin sa masa,” dugtong na paliwanag ni Ogie.
Tunay na rason ng pagkawala ni Vice Ganda sa 2nd season ng Idol Philippines, Alamin
Source: Babaero Balita


0 Comments