Paano nga bang napa oo si Ivana Alawi para sa teleseryeng ‘A Family Affaor’?
Walang pag-aalinlangan sa pagtanggap sa kanyang papel sa “A Family Affair” ang sexy Kapamilya actresss na si Ivana Alawi pagkatapos niya umanong basahin ang script.
Sa pagsasalita sa isang virtual media conference noong Martes, sinabi ni Ivana na agad siyang napa-oo nang malaman niya kung paano iikot ang kuwento, at sinabing ang proyekto ay hindi katulad ng ibang drama series.

“I was so excited nung pinitch siya sa akin. Sabi ko nga, story pa lang okay na ako. Ang ganda ganda ng storya. It’s something different kasi it’s not just drama.
“There’s a lot more. It’s very seductive, steamy, sexy, thrilling, mysterious. It’s a very exciting show,” aniya.
Isa pang nagpa-oo umano sa kanya ay gawa ito ng ABS-CBN na kilala sa mga dekalibreng serye. “Kapag gawang ABS, talagang class. Hindi ako nag-aalala sa itsura ko or sa story kasi kapag ABS, world-class talaga,” ayon pa sa aktres.

Wala raw pakialam ang aktres na naghintay siya nang matagal bago niya makuha ang kanyang unang lead role dahil naniniwala siyang may dahilan ang Diyos sa lahat.
“Nung nag-sign ako [ng contract with ABS-CBN], I was very excited kasi kakabalik ko lang. Very important talaga ang ABS-CBN sa akin, it’s close to my heart, it’s my dream network. I was so excited to start filming [my launching project] pero in God’s perfect time talaga,” wika niya.

“It wasn’t my time yet kasi dumating ‘yung COVID, dumating ‘yung pandemic, nag-lockdown. I learned more things habang naka-lockdown. I always try to look at things positively. Kapag may nangyari, may rason si God,” dagdag ni Ivana.
Sa serye, gagampanan ni Ivana si Cherryred, na pag-aagawan ng magkakapatid na Estrella. Nauna niyang inilarawan ang serye bilang “isang kuwento kung paano nilason ng pag-ibig at mga lihim ang isang pamilya.”
Ang kanyang apat na leading men ay sina Gerald Anderson bilang Paco, Sam Milby bilang Dave, Jake Ejercito bilang Seb, at Jameson Blake bilang Drew.
Ivana, inilahad ang rason kung bakit agarang tinanggap ang role sa ‘A Family Affair’
Source: Babaero Balita


0 Comments