Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Alyssa Valdez at Kiefer Ravena, Hiwalay na raw?, Alyssa may paki-usap sa lahat

Hiwalay na nga ba ang sports power couple na sina Alyssa Valdez at Kiefer Ravena?


Bulong bulungan ngayon ng netizens ang di-umano’y hiwalayan ng mga sports stars na sina Alyssa Valdez at Kiefer Ravena.

Ilang linggo na ring pinag-uusapan ito ng netizens dahil na rin sa mga napapansin nila sa bawat social media accounts ng magkasintahan.

Napuna ng ilan na nitong nagdaang Valentines Day, maging ang pagkapanalo ni Alyssa para sa PBB Top 2 hanggang sa PVL MVP finals ni Alyssa ay wala umanong congratulatory message si Kiefer.


Lalo pang pinag-usapan ng marami nang mapansin nila ang sabay na pagpapalit umano ng dalawa ng kanilang Instagram profile picture kamakailan lamang, ngunit sa kabila naman nito ay nananatiling naka follow pa rin sa isa’t-isa ang dalawa.

“I won’t be surprised if the Kiefly break-up rumor is true. When Kiefer did a VG to Alyssa during her PBB stint, no “ILY” from him. When Alyssa won the PBB Top 2 and PVL MVP finals, there was no congratulatory IG story or post from him too,” tweet ng isang fan.

Napansin din ng marami ang tila hindi umano pagsi celebrate ng dalawa para sa kanilang anniversary bilang magkasintahan ngayong taon.

Sa kanilang social media accounts, hindi man direktang kinukumpirma ngunit tila ipinahihiwatig ng management ni Alyssa ang hiwalayan nila ni Kiefer.

“A lot of speculation has been made. We appreciate the concern, but this decision does not involve any other party. Let us avoid making up stories & spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa’s decision to keep things private.

“Thank you to all the fans who have loved and supported Alyssa through the years. We know you will continue to be there for her.

This will be the only time we will address this matter. We will not be entertaining any interviews or questions. Thank you for your understanding,” buong statement ng V Management.

Ibinahagi rin ni Alyssa ang naturang statement ng kaniyang management at sinabing; “please avoid making up stories & spreading false rumors. thank you foe all the love.”

Samantala wala namang iba pang inilalabas ang kampo ni Kiefer Ravena ng anumang statement patungkol pa rin sa umano’y hiwalayan nila.



Alyssa Valdez at Kiefer Ravena, Hiwalay na raw?, Alyssa may paki-usap sa lahat
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments