Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Liza Soberano umalis na sa management ni Ogie Diaz, mananatiling kapamilya pa ba?

Mananatili pa bang kapamilya si Liza Soberano ngayong out na si Ogie Diaz sa pagiging manager niya?


Sa kaniyang latest showbiz update ay ibinahagi ni Ogie Diaz ang malaking balita patungkol sa kaniyang alagang si Liza Soberano.

Sa naturang showbiz vlog ay isiniwalat nga ni Ogie Diaz ang opisyal na pagkaka out niya bilang manager ni Liza Soberano, na mag e expire nga ngayong May 31.

“Marami na ang nag-approach sa akin. Marami na rin ang tumatawag sa akin kung si Liza ba under my management pa rin at pag may nag-iinquire sa akin ay ipinapasa ko sa iba.


“Unang-una sa lahat, legally speaking, ako pa rin ang manager ni Liza Soberano hanggang May 31, 2022,” saad ni Ogie. Inamin ni Ogie na sa mahigit 11 years na pagsasama nila ni Liza ay hindi naging madali ang lahat ngunit lahat ng ito ay maayos nilang nalagpasan.

Sa pagku kwento nito ay naitanong na niya noon si Liza kung gusto pa ba nitong mag renew bilang alaga niya, na tinapat ni Liza na gusto na nitong hindi i renew dahil sa kagustuhan niyang mag pursige sa karera sa Hollywood.

Isiniwalat ni Ogie na walang halong galit o inis siyang nadarama, bagkus ay masaya siya sa bagong tatahakin ng alagang si Liza.

“Ang sine-save ko kasi, yung friendship kasi ang haba ng panahon na pinagsamahan ninyo eh. Hindi mo dapat sayangin ‘yun dahil wala ka nang kinikita sa bata o wala na akong naibibigay na project sa bata.

“Hindi doon nagtatapos ang relasyon dahil lagi ko ring sinasabi yan kay Liza na hindi mo dapat pinuputol ‘yung tulay. Kasama don sa kanyang mensahe na gusto niyang mag-try sa Hollywood,” pagpapatuloy ni Ogie.

“Yung utang na loob ko sa batang yan ay napakalaki dahil ‘yung mga kinita ko sa kanya, doon din naman ako humugot para mabuhay yung anak ko na si Miracle.

“Yun man lang maisip ko para wala kang itatanim na sama ng loob sa bata, wala kang bitbit, wala kang kargo sa loob mo kasi doon man lang, timing na timing ang pagdating ni Liza sa buhay ko,” pagbabahagi pa ni Ogie.

At dito nga ay isiniwalat niyang si James Reid na umano ang mag ma-manage sa career ni Liza sa loob at labas ng bansa, kaya naman magkasama umano ito sa amerika.

Samantala ibinunyag din ni Ogie na sa kasalukuyan ay expired na rin ang kontrata ni Liza sa Star Magic at ABS-CBN, ngunit nilinaw nito na ipinangako ni Liza na hinding hindi ito mag o ober da bakod.

Paglilinaw sa kaniya ni Liza na pagdating sa mga teleseryes ay sa ABS-CBN lamang siya gagawa, sa katunayan pa nga’y maraming inilalatag na serye at pelikula ang ABS-CBN sa kanilang dalawa ni Enrique na inaasahang masisimulan na rin sa mga susunod na buwan.



Liza Soberano umalis na sa management ni Ogie Diaz, mananatiling kapamilya pa ba?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments