Magkasama ang celebrity couple na sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero na ipinagdiwang ang espesyal na araw ng basketball player.
Magkasama ang celebrity couple na sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero na ipinagdiwang ang espesyal na araw ng basketball player.
Mapapansin sa kani-kanilang Instagram Stories nitong nakalipas na araw na parang nasa out-of-town trip silang dalawa.
Pareho silang nagbahagi ng mga video ng bawat isa na nagmamaneho ngunit hindi tinukoy ang kanilang destinasyon.
Upang ipagdiwang ang espesyal na araw ni Ricci, nag-post si Andrea ng larawan niya na tila kinunan niya. “Happy birthday. I love you,” simpleng caption ng aktres na tinugon naman ni Ricci ng “I love you.” Naging opisyal na magkasintahan sina Ricci at Andrea noong April 9 matapos hilingin ng basketball player na maging girlfriend niya ang aktres pagkatapos ng laro ng University of the Philippines sa Mall of Asia Arena.

Sa isang panayam kamakailan sa Push, sinabi ni Andrea na nasasabik pa rin siya sa kanilang relasyon at gusto niyang protektahan ito higit sa ano pa mang bagay.
Masaya ako at sobrang excited din kasi first time ko magkaroon ng boyfriend na mas matanda sa akin na basketball player. At first time ko din na magkaroon ng boyfriend na out sa public.

Masaya at saka this time hindi ko na talaga binabasa ‘yung mga comments kasi I know na madaming mga bitter, madaming may mga masasabi sa relasyon,” aniya.
Sa kabila ng sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanila, sinabi ni Andrea na ang mahalaga ay nananatili silang tapat sa isa’t isa.

“Dun lang ako natatakot kasi first time ko nga ito na public at hindi ko pa alam masyado kung paano i-handle. Eh very clingy pa man din ako na tao.
“So ang daming nagsasabi masyado kaming sweet, ganyan. Pero wala, go with the flow lang ako. Masaya lang. Ang importante lang naman is totoo kami sa isa’t isa,” wika ng aktres.
Ricci, out-of-town nagcelebrate ng kaarawan kasama ang nobyang si Andrea Brillantes
Source: Babaero Balita


0 Comments