Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Coco Martin spotted na suot ang kaniyang ‘Wedding Ring’?.. Kinasal na nga ba?

Ikinasal na nga ba si Coco Martin?


Nitong nagdaang mga araw nga lamang ay naging usap-usapan ang naging mensahe ni Coco Martin para sa yumaong si Susan Roces.

Sa pagdalaw ni Coco sa burol nito ay ibinahagi niya ang kaniyang pasasalamat at pagmamahal sa tinuturing na niyang Lola.

Ikinuwento ni Coco ang mga pangyayari sa pagitan nila ni Susan Roces mula pa noong una silang magsama sa seryeng ‘Walang Hanggan’ raong 2012 kung saan kasama rin nila si Julia Montes.


Ngunit bukod sa nakakaantig na mensahe ng pasasalamat at pagmamahal ni Coco Martin para kay Susan Roces, na ginanap noong May 22 sa Heritage Memorial Park sa Taguig, ay ang kapansin pansing suot nitong gold wedding band sa kaniyang kanang kamay.

Isa nga ito sa naging paksa ng showbiz manager na si Ogie Diaz kasama ang showbiz ka-chikahan niyang si Mama Loi sa latest YouTube showbiz vlog nila.

Ikinuwento ni Mama Loi na mayroon umanong nagpadala sa kaniya ng mensahe at screenshots na kuha mula sa mensahe ni Coco kung saan makikita ang di-umano’y wedding ring na suot niya.

“Sabi nila parang wedding ring daw ‘yun napansin mo ba?,” tanong ni Loi kay Ogie. “Hindi. Hindi ako marunong sa mga ganyan hindi nga ako nagsisingsing,” mabilis na sagot nito.

Napukaw naman nito ang atensiyon ni Ogie saka na rin napatanong kung totoo ito, “Totoo ba? Ito kasing si Loi wedding organizer ‘yan.”

“E, ‘yun na nga tiningnan ko ‘yung picture, e, ‘yung singsing nasa kanan,” ani Mama Loi. “So, ano ‘yun hindi pa kasal?” balik-tanong ni Ogie.

“Sa ceremony kasi ng kasal sa left na kamay isinusuot ‘yung singsing para meron ‘yung ugat na nakakonek doon (minuwestra paakyat sa puso).

“Pero pagkatapos naman ng kasal depende ‘yan kung kaliwete o kanan ‘yung may suot. Kasi di ba usually ang singsing isinusuot natin doon sa hindi madalas gamitin na kamay para raw hindi nagagasgas, oo may ganu’n,” sabi ni Mama Loi.

“O, paano mo naman nasabing ‘yun nga ang ano (wedding band),” nagtatakang sabi ni Ogie. “Kaya nga maraming nagsasapantaha na parang may wedding ring si ano, si Coco Martin!,” dugtong naman ni Mama Loi.

“Hindi ko napansin ‘yun (kasi) ang napansin ko, tatlong beses akong bineso ni Coco. Alam mo naman si Coco pag humalik parang Sharon Cuneta rin parang hinihigop ang pisngi mo,” saad ni Ogie.

At bilang paglilinaw, “Itong iisyu na ito hindi natin alam, hindi ako marunong tumingin sa singsing, eh. Ang importante, singsing ‘yun hindi lang natin alam kung wedding ring o friendship ring.”

“Wow, friendship ring! Ha-hahaha!  Ang bagets ng friendship ring!” tumatawang sagot ni Mama Loi.

At dahil close sina Mama Loi at Ogie kay Coco na ilang beses silang bineso ay ayaw na nilang pag-usapan kung sino ang ka-friendship ring ng aktor.

“Basta ganyan, ayaw na naming i-discuss ang isyu. Ha-hahaha!” saad ni Ogie. Sabay sabi ni Mama Loi, “I love you (Coco).”



Coco Martin spotted na suot ang kaniyang ‘Wedding Ring’?.. Kinasal na nga ba?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments