May parinigan sina Valentine Rosales at Awra Briguela?
– Tila tinamaan ang social media “influencer” na si Valentine Rosales sa tweet ni Awra na may taong ‘paepal’ na mahilig makisali sa issue
– May patutsada naman rito si Valentine kahit na hindi naman pinangalanan ni Awra ang tinutukoy niya sa kanyang viral tweet
– Bukod pa rito, nauna nang mag-komento si Valentine sa ‘di umano’y pananakit ni Zeinab sa kanyang kaibigan
Sunod-sunod na ‘patama tweets’ ang ibinahagi ng infamous influencer na si Valentine Rosales hinggil sa mga bida-bida, ‘di umano’y pananakit ni Zeinab, at ngayon ay sa patutsada nito sa tweet ni Awra Briguela.

Ito ay tila kaugnay sa hidwaan sa pagitan ng model at content creator na si Zeinab Harake at rapper na si Skusta Clee na nag-viral sa Facebook at Twitter ng ilang linggo na ang nakakaraan.
Nauna na sa tweet ni Valentine ay ang parinig nito na alam naman niyang magiging kontrabida siya sa bawat kwento dahil maraming bida-bida sa mundo.
“Sure na ako kontrabida ako as always in every story, dami din kasi bida bida sa mundong to eh ahahaha anyway, tell me something I don’t know?” tweet ni Valentine noong May 25, saktong 6:38PM.
Sunod namang nag-tweet si Awra sa parehong araw noong 10:30PM. Aniya, “shuxxx, parang finals huh! laglagan na lol.”

May 26 naman ay mayroon si Valentine na viral tweet patungkol sa pananakit ni Zeinab sa kanyang kaibigan.
Nagpost din ito ng convo ng kanyang ‘babe’ na nagpapasalamat sa kanya sa pagtatanggol pagkatapos ng tweet nito kay Zeinab.
“Grabe ka Zeinab nanakit? Bat kailangan mo sipain yung friend ko? Di ka ba madaan sa maayos na usap? Wag mo naman dalhin yung ugali mong yan sa loob ng club. Wala po kayo sa boxing arena para gawin yan ok?” sabi niya.
“They Don’t know the whole story, Don’t let them distrupt your inner peace babe, ako na ang bahala sanay na ako jan babe. Nakakahiya sa loob pa talaga ng bar makikipag rambulan.” post niya na may screenshot ng kanilang convo.

Mukhang napansin naman ito ni Awra at napa-tweet muli kahapon, May 27. “may mga paepal na nakikisali sa issue para sumikat. clout chaser yarn?” aniya ngunit ‘di pinangalanan kung sino.
Retweet dito ni Valentine, “Ay pinatamaan yung sarili niya” sabay dagdag ng laughing emoji.

Valentine, tinamaan nga ba sa taong ‘paepal’ na tinutukoy ni Awra kahit walang pangalan?
Source: Babaero Balita


0 Comments