Sino nga ba ang pinakja hinihintay ni Ivvana Alawi na makatrabaho?
Ibinahagi ni Ivana Alawi na maaaring magulat ang mga tagahanga ng kanyang vlog na makita ang kanyang pagbabago sa screen para sa kanyang gagampanang pangunahing karakter sa sexy drama series na A Family Affair.
“Ang ma-e-expect mo dito, hindi ito si Ivana Alawi. It’s really a different person na. Kasi masayahin akong tao. Meron kaming similarities ni Cherry Red pero very deep itong story na ito so you will really see a whole different Ivana. Because this is very, very intense.
“Yung story talaga niya is sobrang ganda so ang dami mong makikitang emotions. It’s a very, very different Ivana kasi nakikita niyo naman palatawa ako.
“Sa vlog nakikita niyo yung tunay kong ugali. Pero this is more of a dramatic, sensual and ibang klaseng Ivana. Promise abangan niyo,” aniya. Sa apat na leading man niya sa serye na kinabibilangan nina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito, at Jameson Blake, ibinunyag ni Ivana kung sino sa mga ito ang pinakahihintay niyang makatrabaho.

“Ang pinaka-excited ako kasi pinapanuod ko na sila before is Gerald and Sam so I was very excited to work with them. Si Sam crush na crush ko siya dati.
“Napanuod ko siya sa mga movies at teleserye niya sa ABS-CBN. Kaya nga natatakot ako. Sieympre pag naging crush mo isang tao tapos makakatrabaho mo.
“Tapos feeling ko nga very intimidating siya. Pero hindi pala. Kabaliktaran pala. He’s a very, very nice person. Sobra,” ibinahagi niya.
Inamin din ng aktres at vlogger na nakaramdam siya ng pagkailang kay Sam noong unang araw nila sa set. “Si Sam takot din ako na makatrabaho kasi feeling ko sobrang tagal na sa industriya, sobrang galing, and feeling ko professional siya.

“So parang natatakot ako maka-eksena siya. Pero nung first time namin nagkita, puro siya biro. Gusto niya comfortable kaming lahat.
“And everyone dito sa teleseryeng A Family Affair, yung buong cast, hindi ko nararamdaman na trabaho and lahat talaga nagtutulungan. Pag nag-te-taping kami parang hindi taping kasi para kaming family talaga.
“Mapagbiro siya and very welcoming. Gusto niya kumportable ka so ayaw niya na may ilangan and he’s going to do everything na mapasaya ka lang at mapatawa, ganun,” paliwanag niya.
Bilang baguhang aktres, ibinahagi ni Ivana kung paano siya tinulungan ni Sam at ng iba pa niyang male co-stars sa kanyang pag-arte lalo na sa mga dramatic scenes.
“Tinanong nila kung anong makakatulong. Like si Sam, minsan nawawala ako tapos sasabihan ko nahihirapan ako, ganyan ganyan. Tapos minsan pag-uusapan namin, like kay Sam pareho kaming nawalan ng tatay so parang kinukuwento ko na na-fi-feel ko ulit yung emotions.
“Sinasabi niya what can he do to help. So si Sam maalaga din. Kapag nahihirapan ako, kakapit na ako sa kanila na ‘Hindi ako maka-arte’ tapos very supportive talaga sila,” kwento pa ni Ivana.
Ivana, inibuking kung sino sa kaniyang leading man ang pinakahihintay niyang makatrabaho noon
Source: Babaero Balita


0 Comments