Bukas ba sa posibilidad si Seth Fedelin na makatrabaho niyang muli ang ex girlfriend/ex loveteam na si Andrea Brillantes?
Hindi naman na lingid sa kaalaman ng lahat ang paghihiwalay sa kani-kanilang karera ang dating magka loveteam na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.
Sa paghihiwalay ngang ito ay nananatiling bukas si Seth Fedelin sa posibilidad na makatrabaho muli ang kanyang ex-girlfriend, ang aktres na si Andrea Brillantes, sa hinaharap.
Sa isang panayam sa Push, sinabi ni Seth na nagtitiwala siya sa pamunuan ng ABS-CBN na kung maghain sila ng proyekto sa kanya, tatanggapin niya ito kahit sino pa ang kanyang makakatrabaho.
“Nagta-trabaho tayong lahat sa ABS-CBN. So ‘pag binigyan ako ng trabaho, kahit sino pa ‘yan, basta sinabi ng mga bossing na kung ano plano nila sa akin, magtitiwala ako. Kung anong gusto niyong gawin ko, gagawin ko ‘yun,” aniya.

“So kahit saan ako mapunta, basta utos nila at trabaho ko yun, doon ako binabayaran, gagawin ko nang maayos yun,” dagdag niya.
Sa kasalukuyan, nakatakdang makatrabaho ni Seth ang aktres na si Francine Diaz, na dati ring bahagi ng The Gold Squad.

Nabuo ang bagong tambalan pagkatapos ng isang magulong taon para sa grupo, kung saan tuluyan ng tinahak nina Kyle Echarri at Francine Diaz ang magkahiwalay na proyekto.
Ang kontrobersyal na alitan sa pagitan nina Andrea at Francine, at ang paghihiwalay nina Seth at Andrea sa totoong buhay noong Oktubre 2021.

Si Andrea, na ngayon ay karelasyon na ng basketball player na si Ricci Rivero, ay makikita pa rin na katambal ni Seth sa paparating na musical series na “Lyric and Beat,” na kailan lamang ay natapos na sa pagso-shoot.
Sinabi ni Andrea na nananatili silang magkasundo ni Seth, at masigasig na ipagpatuloy ang kanilang love team kung mabibigyan ng pagkakataon.

Seth Fedelin, papayag pa bang ipares muli kay Andrea Brillantes sa mga susunod na proyekto?
Source: Babaero Balita


0 Comments