Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

James Reid, ibinunyag ang kasalukuyang relationship status

Ano nga ba ang estado ng puso ngayon ni james Reid?


Marami ang patuloy na nagtatanong at curious na netizens ang nais na malaman ang estado ng puso ngayon ni singer-actor James Reid.

Nananatiling single kasi ito at out of the dating scene sa halos dalawang taon na ang nakalipas matapos ang hiwalayan nila ng aktres na si Nadine Lustre.

Nagpahayag ang 29-year-old hitmaker tungkol sa kanyang relationship status sa isang maiksing panayam sa kauna-unahang Gold House Gala na ginanap noong Mayo 21 sa Los Angeles, California.


Nang matanong kung single o kasalukuyang may dini-date ang aktor, tumugon ito ng: “Oh, we’re single, yes. I’m not really interested right now. I’ve been trying to stay single for as long as possible just because there’s a lot that I’m trying to do right now. I got out of a four-year relationship so, you know, I’m just trying to do me, be happy being me for a while,” aniya.

Halos apat na taon nang magkasama sina James at Nadine, na dating naging sikat na “JaDine” tandem, bago ihayag ang kanilang breakup noong Enero 2020.

Karelasyon naman ngayon ni Nadine si Christophe Bariou, isang Filipino-French businessman na may-ari ng isang resort sa Siargao.

Ang dalawa ay romantikong naugnay mula noong kalagitnaan ng 2021 at kinumpirma na opisyal na silang magkasama noong Enero ngayong taon.

Samantala, kasalukuyang nasa United States si James para tumutok sa kanyang music career, kasama na ang isa pang kapamilya star na si Liza Soberano, na ngayo’y minamanage na rin niya ang career.

Ang half-Australian singer, na may-ari narin ngayon ng kanyang sariling local record label na Careless Music ay umalis patungong Amerika noong nakaraang Pebrero.

Kasalukuyan siyang nasa Transparent Arts, isang talent agency na nakabase sa LA na naglalayong i-promote ang mga Asian-American artist.



James Reid, ibinunyag ang kasalukuyang relationship status
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments