Nagbahagi ng kaniyang bagong mensahe si Lolit Solis para kay Kris Aquino sa gitna pa rin ng pakikipag laban nito sa kaniyang karamdaman
Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi muli ng kaniyang mensahe si Lolit Solis patungkol kay Queen of all Media, Kris Aquino.
Ibinahagi ng batikang showbiz columnist ang di-umano’y malamang na nararamdaman ni Kris ngayon dahil pa rin sa karamdaman nito.
Ikinuwento nito ang marahil na frustrations na nararamdaman ngayon ni Kris Aquino dahil sa hindi ito makagala kagaya ng dating gawain niya.
“Alam mo Salve na siguro isa sa pinaka frustrated si Kris Aquino duon sa hindi siya makagala sa paligid gaya ng dati niya ginagawa. Mahilig sa outdoor si Kris at kahit nga hindi siya iyon athletic na type gusto niya iyon nagla lakad sa paligid,” panimula ni Lolit.

Ikinuwento nitong ang pagwi window shopping o ang personal na pagpunta sa mga stores na binibilhan niya ang ilan sa paboritong gawin ni Vice.
“Window shopping o personal na pinupuntahan iyon gusto niya bilhin. Tiyak na dahil sa physical na kalagayan niya, hindi muna siya puwede na nag wa walking o sa mataong lugar.

“Kaya tiyak na frustrated siya dahil dito. Dapat talagang ingatan mabuti ni Kris Aquino ang kanyang katawan dahil lalo na ngayon na matindi ang mga virus sa paligid.
“Kailangan talagang mas protected at mas iniingatan niya ang pagkilos.,” sunod na sabi pa ni Manay Lolit Solis para kay Kris.

Sa huli ay hiniling ng showbiz columnist na nawa’y gumaling na si Kris Aquino at maging masigla na ito kagaya ng sa dati.
“Sana nga ay gumaling ng tuluyan si Kris at maging masigla na tulad ng dati. Mabuti na lang at she gets the best in medical assistance dahil nasa top of the list ang kanyang mga doktor. Get well soonest Kris Aquino, marami ang nagdarasal para sa iyo, marami parin nagmamahal sa iyo. Promise,” ani Lolit.
Lolit Solis nagkuwento muli sa nararamdaman ni Kris Aquino; “Tiyak na frustrated siya..”
Source: Babaero Balita


0 Comments