Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Sino ang tinutukoy ni Xian Gaza sa Blind Item niya na; “Certified User si Koya”

Sino ang pinatutungkulan ni Xian Gaza patungkol sa isang basketball player na umano’y certified user?


Sa kanyang facebook account ay may panibagong hirit na naman ang self proclaimed Pambansang Boy Marites na si Christian Albert Gaza.

Kilalang kilala na nga ng netizens si XIan Gaza dahil na rin sa palagiang pagkaka sangkot nito sa ilang mga isyu ng mga sikat na personalidad.

Kamakailan nga lamang ay galing siya sa isyu ng hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake at maka ilang beses na nag post ng video at photos hingil sa di-umano’y bagong karelasyon ni Skusta.


Ilang araw nga lamang ang nakalilipas ay may panibago siyang hinihiritan, ito ay ang bago at matamis pang relasyon nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero na kamakailan lamang ng ihayag sa publiko ang kanilang matamis na relasyon.

Dahil nga sa mainit na pinag-uusapan ng netizens ang relasyon ng dalawa ay hindi ito nakaligtas sa paningin ni Xian Gaza.

Makailang beses na ring nagbahagi ng ilang post o content si Xian Gaza patungkol kina Andrea at Ricci, na madalas niyang gawin sa mga nagdaan pang isyu.

Kaya naman hindi na rin kataka takang ihanay ng ilang netizens ang pinakabagong blind item na ibinahagi nito sa kaniyang facebook account kina Andrea at Ricci.

Kagaya ng dati ay hindi nito direktang pinangalanan ang kaniyang sinasabi bagkus ay mga initials lamang ang kaakibat nito.

Ibinahagi nito ang patungkol sa isang ‘RR’ na di-umano’y ginagamit lamang si ‘AB’, sinabi rin nitong si girl na ‘AB’ din umano ang gumagastos sa relasyon nila.

“KOMPIRMD! From the cousin of his very close friend. Ginagamit lang ni RR yung kabaliwan ni AB sa kanya upang ma-establish at masemento yung pangalan niya sa Pinas. Si ate girl din daw ang palaging gumagastos sa relasyon nila. Certified user ang koya mo,” buong post ni Xian Gaza.

Sa comment section pa nga ng post niyang ito ay nagkumento pa siya ng ilang pangalan ng mga sikat na basketbolista, dugtong niya at sinasabing basketball player din ang nasa BI niya.

“James Yap, Terrence Romeo, Ricci Rivero,” ani nito kaakibat ang hashtag na Alam Na This saka dinugtungan pa ng, “Basta basketball player talaga tsk tsk”.

Sino nga ba ang pinatutungkulan ni Xian Gaza?



Sino ang tinutukoy ni Xian Gaza sa Blind Item niya na; “Certified User si Koya”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments