Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Mona, mapapanood narin sa ABS-CBN bilang nakababatang Ivana sa ‘A Family Affair’

Maging ang bunsong kapatid ni Ivana Alawi ay mapapanood na rin sa teleseryeng ‘A Family Affair’


Nakatakdang gawin ng kapatid ni Ivana Alawi na si Mona ang kanyang debut sa ABS-CBN bilang younger version ng aktres sa upcoming teleserye na “A Family Affair.”

Ang 17 taong gulang na si Mona ay lumabas sa trailer ng serye ng ABS-CBN na ipinalabas noong Huwebes.

Siya ay ipinakita bilang ang batang Cherry Red, ang pangunahing karakter na ginagampanan ng kanyang ate Ivana.


Sa “A Family Affair,” si Cherryred ay kinupkop ng mayamang pamilyang Estrella, at pinalaki bilang ikalimang “kapatid” sa apat na magkakapatid na sina Paco (Gerald Anderson), Dave (Sam Milby), Seb (Jake Ejercito), at Drew (Jameson Blake).

Habang sila ay lumalaki kasama sina Paco at Dave ay nagkaroon ng romantikong damdamin ang dalawang magkapatid na lalaki para kay Cherry Red.

Humantong ito sa pagpapakasal ni Cherry Red kay Paco, na kalaunan ay nalaman ang pagtingin ng kapatid na si Dave sa kanyang asawa.

Ang lead cast, gayundin ang mga direktor na sina Jerome Pobocan at Raymund Ocampo, ay nanood ng premiere ng trailer noong Huwebes ng gabi, na ipinakita sa isang livestream mula sa producer ng serye na Star Creatives.

Doon din ay kinumpirma ni Ivana ang magiging espesyal na pagganap ng kanyang kapatid sa “A Family Affair,” na may panandaliang pagbati ni Mona sa mga manonood ng stream.

Si Mona ay mayroon ng malaking bilang ng follwers sa social media, sa tulong narin ng YouTube channel ng kanyang nakatatandang kapatid na naging dahilan upang makilala ang mga mukha ng kanilang mga miyembro ng pamilya sa online.

Sa ngayon ay wala pang anunsiyo kung kailan magsisimulang mapanood ang ‘A Family Affair’, na kinunan ang mga mahahalagang eksena sa probinsiya ng Masbate.



Mona, mapapanood narin sa ABS-CBN bilang nakababatang Ivana sa ‘A Family Affair’
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments