Naglabas ng kaniyang pagtataka si Chito sa mga netizens na tila nagulat na mag pinsan sila ni Donny Pangilinan
Tila nagtataka si Chito Miranda sa ilang netizens na gulat na gulat umano nang malamang mag pinsan pala sila ni kapamilya actor Donny Pangilinan.
Sa kaniya ngang Instagram account ay ibinahagi niya ang ilang litrato kung saan nandoon si Donny at maging siya at saka ipinaliwanag ang dahilan ng post niya.
“Bakit nga ba gulat na gulat yung iba na pinsan ko si Donny…eh lamang lang naman sya sa akin ng mga 2,000,000 na paligo,” panimulang banat niya.
“2nd cousin ko sya, kasi mag-pinsang buo yung dad ko at yung dad nya…kaya naging related din ako kay Tito Gary V, Ate Sharon, and yes, kay Kuya Kiko. Kuya ang tawag ko sa kanya kasi kuya and ate ang mga tawag namin sa mga pinsan ng Dad ko na malapit sa age namin…wala lang, nasanay lang kami.

“Actually, mas naging close kami sa mga uncle at auntie namin sa Pangilinan side dahil mas magkakalapit kami ng age, at sila yung mas madalas naming makatambay, compared sa mga pinsan namin, who were a lot younger than we were.”
Dito ay ikinuwento pa niya ang isang pangyayari noong manalo ang banda niya sa Myx Awards kung saan pinasalamatan niya ang naka collab niya pero imbes na si Kiko Magalona ay si Kiko Pangilinan ang napasalamatan niya.
“Dati nga, nung nanalo yung Parokya ng best rap video (or best collab yata) for Bagsakan sa Myx Awards, nung umakyat kami ng mga kabanda ko sa stage, nagpasalamat ako kay Gloc at kay Kiko Pangilinan instead na kay Kiko Magalona, kaya dun nabuo yung “Nandito na si Kiko, si Kiko Pangilinan”
“Pero mas naging close sila Kuya Kiko at si Neri dahil sa farming (at si Ate Sharon naman with Neri dahil pareho silang madaldal), as in nage-exchange sila Neri at Kuya Kiko ng notes pagdating sa farming.

“And sometimes dini-discuss din nila kung gaano kahirap ang buhay ng farmers, lalo na nung sinubukan ni Neri magpatanim ng palay, at nalaman nya kung gaano kahirap yung process, at kung gaano kaliit yung kinikita ng mga farmers.
“Masasabi ko naman talaga na matino at mabait talaga si Kuya Kiko…at makulit (kahit minsan corny yung mga jokes nya.. pero ganun talaga eh hahaha),” pakli pa nito.
Marami nga ang natawa sa mga hirit na ito ni Chito, maging ang kaniyang asawang si Neri ay hindi rin napigilang alaskahin ang asawa.
“Naalala ko yung nagde-date palang tayo, pinakilala mo pamangkin mong si Cheska Fernandez sa akin, di ako maniwala,” ani Neri na may laughing at peace sign emojis pa.
Chito Miranda nagtataka sa mga netizens na nagulat na mag pinsan pala sila ni Donny Pangilinan
Source: Babaero Balita


0 Comments