Naglabas ng kaniyang saloobin si K Brosas sa mga taong patuloy na kinukutya ang mga kakampink
– Hindi natuwa ang TV host at singer na si K Brosas sa mga taong labis labis na nagsasaya sa kalungkutan ng mga tao ngayon
– Ito ay dahil sa malaking lamang ni Marcos Jr. sa malapit na katunggali nitong si VP Leni Robredo sa partial and unofficial counts ng mga boto
– Nabanggit din niya ang ABS-CBN shutdown kung saan maraming nakitilan ng trabaho ngunit marami pa rin ang natutuwa sa dalamhati ng iba
Hindi pinalampas ng dating ‘Tawag Ng Tanghalan’ judge na si K Brosas ang mga taong umano’y may ‘masasamang’ ugali o ‘yung mga tuwang-tuwa sa labis na kalungkutan ng iba, ito ay base sa kanyang recent post sa Twitter.

Kilala bilang Kakampink, nakasama rin si K sa mga campaign rally ng Leni-Kiko sa Pampanga at nakisaya rin sa house-to-house campaign ng mga taga-suporta ng LeKo tandem bago mag-eleksyon noong May 9.
Malungkot naman ang mga Kakampink sa laki ng lamang ni Marcos Jr. kay VP Leni sa unofficial tally ng mga boto ng COMELEC dahil ito na umano ang pinaka-malapit na pagkakataong ‘malasap’ ng taumbayan ang good governance ng administrasyong Robredo.

Sa laki ng lamang ni Marcos laban kay Robredo, masayang-masaya ang mga taga-suporta at panatiko ni BBM dahil sa nakikita nilang natatalo na ang babaeng tumalo sa kanila noon.
Isa rin sa sigaw ng mga BBM supporters ay ang kagustuhan nilang ibalik ang “nutribun” noong panahon ng diktaduryang Marcos.

Ito ang naging hirit ni K Brosas sa kanyang Twitter account kung saan kinuwestiyon niya ang mga taong masaya pa sa pagdadalamhati ng iba.
Nabanggit din niya ang ABS-CBN sa kanyang viral tweet. “Noong nagsara ang abs cbn, ang daming natuwa at pinagtawanan ang nga nawalan ng trabaho..
“Ngayon madaming malungkot na kakampinks, may natutuwa at nang kukutya.. bakit kayo masaya sa dalamhati ng iba??.. anong klaseng pag uugali yan? shut*nginamez!” hirit pa ng singer.
K Brosas, maanghang na tinirada ang mga galit kay VP Leni: “shut*nginamez!”
Source: Babaero Balita


0 Comments