Totoo nga bang may boyfriend na raw si James Reid?
Trending at usap-usapan ngayon sa social media partikular na sa Tiktok ang video kung saan cinelebrate ni James Reid ang kaniyang nagdaang kaarawan.
Likas na nga naman talaga sa pinoy ang maging marites at agad na paniwalaan ang kung anumang mapanood nilang spliced videos.
Kung minsan pa nga ay kahit na patawan mo sila ng kung anong ebidensiya ay paniniwalaan pa rin nila ang mas gusto nila o makikisabay sa kung ano ang uso kahit na hindi naman tama.
Ito nga ang nangyayari ngayon kay kapamilya actor James Reid na kamakailan lamang ay bumalik ng bansa at nag celebrate ng kaniyang kaarawan kasama ang ilang malalapit na mga kaibigan, at ang isang partikular na video pa nga mula rito ay trending na at hinaluan na ng ibang kwento.

Kumakalat nga ngayon na di-umano’y kasama ni James Reid ang kaniyang boyfriend sa naturang selebrasyon.
Sa naturang video ay mapapanood ang na nagkakasiyahan silang lahat at matapos nito ay makikitang nakipag beso beso si James Reid sa lalaking katabi niya.
Mapapanood din na naghihiyawan ang mga kaibigan niya matapos na makipag beso beso siya sa lalaking katabi lamang niya.
Agad nga itong umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa netizen, ang iba pa nga’y inaming kinilig sila sa kanilang nasaksihan.

Inilabas nga agad ng mga malilisyosong netizens ang video na ito sa Tiktok at nilagyan pa ng caption na ‘Confirmed James Reid Boyfriend’.
Imbes na mag imbestiga kung totoo nga ba ang isyu ay agad namang naniwala ang marami at sinabing nabigla silang may botfriend na pala si James Reid.
Tila sinakyan naman ni James ang naturang pang i isyu ng ilan at napa kumento pa sa naturang tiktok video na maging siya ay napatanong din, “Is True?” tanong ni James.

Ayon naman sa ilang malalapit na taga hanga ay malapit na kaibigan lamang ni James Reid ang lalaki, at hindi na dapat pang palakihin pa ang mga kuru kuro.
May boyfriend daw?, James Reid may tanong sa mga nang uusisa patungkol sa kaniya
Source: Babaero Balita


0 Comments