Ani nga ba ang masasabi ni Raffy Tulfo patungkol sa pagpapa shutdown sa ABS-CBN?
Ibinahagi ni Raffy Tulfo ang kaniyang saloobin patungkol sa hindi pagkaka renew ng prankisa ng ABS-CBN mahigit dalawang taon na ang nakakaraan.
Matatandaang Mayo 2020 nang tuluyan ng mapaso ang prankisa ng ABS-CBN, dahil dito ay ipinag utos ng NTC ang pagpapa shutdown ng kanilang pagsasa ere.
Hulyo ng kaparehong taon ng mapag-usapan sa kongreso ang pagbibigay muli ng pragkisa sa kanila, ngunit sa huli nanaig ang hindi pagbibigay ng panibagong prangkisa sa kanila.
Dahil sa hindi naka kuha ng prangkisa ang ABS-CBN ay kinailangan nilang mag let go nang mahigit sa limang libong empleyado nila sa gitna ng pandemya upang mapanatiling nakatayo ang kumpanya, upang maisalba rin ang mahigit anim na libo pang empleyado.

Sa kabila naman ng mga pangyayaring ito ay nagbukas ng ilang opurtunidad ang naturang kawalan ng prangkisa ng mga panibagong partnership ang ABS-CBN.
Sa kasalukuyan nga ay kapartner na nila ang Zoe TV, TV5 at Beam Channel upang maipalabas sa free TV ang ilang programa nila.
Bilang isang nagtatrabaho rin sa mundo ng media ay hindi umano ikinatuwa ni Raffy Tulfo ang pagpapa shutdown na nangyari sa ABS-CBN.
Sa isang panayam ay ibinahagi niyang dapat sana’y pinagbayad na lamang kung mayroon mang pagkaka-utang ang ABS-CBN.

“Kung mayroon mang utang ang ABS-CBN sana inobliga na lang ‘yung ABS-CBN na bayaran ‘yung utang na ‘yon rather than ipasara totally.
“Kasi maraming naapekyuhang empleyado, libo-libo ang nawalan ng trabaho,” pagbabahagi nito ng ma interview siya ng Rappler.
Nasabi rin nitong susuportahan niya ang anumang panibagong aplikasyon ng ABS-CBN para sa isang panibagong prangkisa.
Nang matanong naman kung dapat bang ibalik sa ABS-CBN ang frequencies nila na ngayo’y nasa kama’y na ni bilyonaryo Manny Villar, sinabi nitong kung naaayon sa batas ay maaari umano nilang pagbotohan ito sa senado.
Raffy Tulfo naglabas ng saloobin hingil sa nangyaring ABS-CBN Shutdown
Source: Babaero Balita


0 Comments