Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Bagong business na itinayo ng mag-asawang Philmar at Andi, opisyal nang binuksan!

Masayang ibinalita nina Andi at Philmar ang pagbubukas ng panibago nilang Achievement bilang mag-asawa


Masayang ibinahagi ni Andi Eigenmann sa kaniyang Instagram account ang isa na namang achievement niya kasama ng asawang si Philmar Alipayo.

Nito lamang nagdaang mga araw nang ibihagi ng mag-asawa ang opisyal na pagbubukas ng pinaka bagong business nila sa kasalukuyang paraiso nilang Siargao.

Ang Kanaway Surf School at Kanaway Snack Bar na siyang kanilang binuo para sa mga turistang mapapadpad sa Siargao.


Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Philmar ang naturang masayang balita at iniimbitahan nya ang lahat na bisitahin ang kanilang munting school at bar, “@kanaway.surfschool and @kanaway.snackbar are officially open! Visit us for a surf lesson and some souvenirs or for a refreshing slushie or iced coffee!,” ani Philmar.

Hindi rin naman nagpahuli si Andi Eigenmann na ibalita ang panibagong achievement nila ng kaniyang asawang si Philmar, sa kaniyang IG post ay masaya nitong ibinahagi ang balita.

Ani Andi na ito umano ang unang beses nilang papasukin ang business venture, magkahiwalay man ang pangalan pero iisa lamang na gusto nila itong gawin.

“Both our first business venture, although separate, we’re doin it together! Symbollic of how far we’ve come, from constant conversations about our dreams, helping eachother and taking steps to achieve them. This is one of them materialized.”

“Our relationship didn’t go in the same order as most others’, but hey there is no rule book on this, right?? Our children, whom we owe all this to, are the very reason why we made it this far.

“This life was and is never just always bathed in sunshine, but I am grateful things happened the way they all did because I wouldn’t have it any other way. I am more than happy to be sharing this with them all,” ani Andi.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng lahat na si Philmar ay magaling pagdating sa pagsi surfing kaya naman hindi na kataka takang nais niyang ibahagi ang kaalaman niya patungkol dito.

Samantalang matagal nang ibinabahagi ni Andi Eigenmann ang kagustuhan niyang magtayo ng sariling snack bar, kaya naman ng magkaroon ng pagkakataon ay walang alinlangang sinunggaban na niya ito.

Matatandaang nitong unang linggo ng Abril nang unang ibahagi ni Andi ang naturang plano nila at siguradong makadaragdag din ito ng pangkabuhayan sa ibang kababayan nila.



Bagong business na itinayo ng mag-asawang Philmar at Andi, opisyal nang binuksan!
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments