Ikinuwento ni Sharon Cuneta ang naging malalim na pagkakaibigan nila ni Regine
Inabot man ng halos tatlong taon bago sila muling magsama para sa kanilang Iconic concert ngayong taon, ibinahagi ni Sharon Cuneta kung bakit tumagal ang pagkakaibigan nila ni Regine Velasquez sa kabila ng mga pagsubok ng panahon.
“Kasi ang bahay niya, parang pag nagpunta ako at pag nagpunta siya sa bahay ko parang excursion dahil sa traffic. Quezon City siya, ako Makati. Kami ni Reg, Although yun na nga, may kalayuan yung mga bahay namin, hindi kami nawawalan ng communication.
“Kahit hindi every day or every week, kasi pag nag-love ka ng tao tapos sinuklian ka tapos nakita mo lalo yung pagkatao, lalong lumalalim. Lalo siyang napapamahal sa akin as times goes by.
“Feeling ko kahit hindi na kami kumakanta at may apo na kami, yung parang feeling ko magkikita pa rin kami pag birthday ni Nate or birthday niya, ganun. Ako gusto kong maging part ng family nila kasi pati si Ogie (Alcasid),” saad niya.

Sa press conference para sa Iconic, ibinunyag ni Sharon kung paano sila nagkaroon ng malapit na relasyon ng asawang si Kiko Pangilinan sa asawa ni Regine na si Ogie Alcasid.
“Nauna kong maging friend si Ogie nung ‘80s pa eh. Mahal na mahal talaga ni Kiko (Pangilinan) si Ogie to begin with. They’ve known each other since Ogie was in grade school and Kiko was in high school. Tapos nag-UP silang pareho. Magkakilala na sila.
“From the beginning pa. 2008 na concert sa States na kasama ko siya. Lalong naging magkakaibigan kami tapos nung si Reg na naging close na kami. Magkakasundo talaga kami.
“I’m nice to everyone pero ibang usapan yung friendship without the quotation marks. Kasi you only have so much time. Lalo na when you’re getting older, you realize you won’t have time for everybody.

“You have to sift through your list na and there are people who pass through your life for a reason, to teach you a lesson, but there are some na kahit hindi mo nakikita will be there forever and that you would love to have around forever. So she’s in that category,” pag-amin niya.
Ibinahagi rin ni Sharon kung bakit siya masayang makasamang magperform muli si Regine sa kabila ng kanyang napakaraming nakatrabaho sa entablado sa kanyang higit sa apat na dekadang mahabang karera.
“She’s so generous. Being who she is and having a big talent in singing, she’s really such a generous co-performer. Wala ka ng mahihiling.
“The biggest stars in the industry, you will find are the most generous. The ones who are secure in their places in the industry and she’s one of them.

“Of course we love our audience and we love performing together lalo. Sabi ko bonus na lang yung shows kasi magkasama kami. Mas exciting yung in-between shows,” aniya.
Bukod sa paggawa ng mga konsyerto sa taong ito, inamin ng Megastar na siya at si Regine ay umaasa din na balang araw ay magkasama rin sa isang pelikula.
“I know my abilities, kung saan ako mas magaling, kung saan ako mas nangangailangan ng tulong. At saka movie rin, naghihintay lang kami. We would love to do a movie together!” dagdag niya.
Panoorin si Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa kanilang Iconic concert na magaganap sa darating na Hunyo 17 at 18 sa Marriott Grand Ballroom sa Resorts World Manila sa Pasay City.
Sharon sa pagkakaibigan nila ni Regine: “Lalo siyang napapamahal sa akin as times goes by”
Source: Babaero Balita


0 Comments