Ano nga ba ang nararamdaman nina Francine at Seth ngayong sila naman ang magtatambal?
Inamin ng mga young actor na sina Francine Diaz at Seth Fedelin na may magkahalong emosyon sila tungkol sa kanilang upcoming project na “Dirty Linen.”
Sina Diaz at Fedelin, na maraming beses nang nagsama bilang bahagi ng The Gold Squad, ay magtatambal sa paparating na serye sa unang pagkakataon nang wala ang kani-kanilang mga dating screen partner na sina Kyle Echarri at Andrea Brillantes.

Sa panayam nito sa Star Magic’s “Inside News,” inamin ni Seth na kasabay ng kanyang pasasalamat, nararamdaman din niya ang nerbiyos sa paparating na serye.
“Siyempre sobra akong nagpapasalamat, unang-una sa Panginoon at sa mga taong naniniwala sa akin. Marami sila dito, sa mga bossing namin at sa lahat po ng co-actors namin dito. Maraming-maraming salamat,” aniya.

“Siyempre kinakabahan ako dahil panibagong journey na naman ito. So ‘yun, gagalingan na lang namin,” dagdag niya. Sa kanyang parte naman, inamin ni Francine na nakakaramdam din siya ng kaba sa bago niyang role.
“Kasi from ‘Bola Bola’ na super light although may drama pa rin po ‘yon pero mas mabigat ito. Masasabi ko na mas malaki ang hinihingi ng character ko and, of course, nung story.

“Pero I will make sure na ibibigay ko po lahat ng makakaya ko. Gagawin ko ang lahat ng best ko,” wika ang aktres.
“Kailangang abangan ito dahil sa istorya, kakaiba siya. Ang dami niyang pupuntahan, hindi lang siya nakatutok. Talagang umiikot siya hindi lang sa isang karakter na umiikot ‘yung teleserye,” dagdag niya.

Bukod kina Francine at Seth, ang “Dirty Linen” ay pinagbibidahan din nina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo.
Francine at Seth, ‘mixed emotions’ sa kanilang bagong serye na “Dirty Linen”
Source: Babaero Balita


0 Comments