Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Brenda Mage sa pagbabalik PBB at sa mga bashers niya; “Kaya ko pong magpakatao”

Ano nga ba ang masasabi ni Brenda Mage ngayong nagbalik siya sa PBB?


Umalingawngaw ngang muli ang pangalan ni Brenda Mage matapos na magbalik ito sa bahay ni kuya nitong nakaraang linggo lamang.

Ngayong nalalapit na nga ang pagtatapos ng naturang reality show ay nagbalik ang ilang pasok sa top 5 kada season upang makilala ang bubuo sa Biga10 kung saan magmumula ang big winner.

Kasabay ni Brenda Mage sa kaniyang pagbabalik para sa celebrity edition ay ang kaibigan din niyang si Madam Inuts.


Hindi na rin naman na lingid sa kaalaman ng marami na isa si Brenda mage ang naging tampulan ng pamba bash sa loob ng bahay ni kuya noong edisyon nila dahil na rin sa pagiging marites umano nito laban sa ilang kasamahan niya sa loob ng bahay.

Kasabay nga nito ay nang mapagdesisyunan niyang magpahinga muna sa showbiz ngunit ngayon nga’y nakabalik na siya sa bahay ni kuya ay inamin niya kay Kuya na nasaktan umano siya sa natanggap niyang bashing.

“Kaya mas pinili ko pong manahimik sa showbiz at magmuni-muni muna sa probinsya. Talagang nasaktan ako, parang na-trauma ako sa mga pangyayari,” sey ng komedyante.

“Nu’ng una, hindi ko po talaga gustong bumalik pero nu’ng na-accept ko na sa sarili ko ‘yung sitwasyon, nag-sink in na po sa akin lahat at natanggap ko ‘yung pamba-bash.”

“Lahat ng negative na bagay na binato sa akin, in-asssess ko po ‘yung sarili ko kung saan ako nagkamali at mas pinili ko pong tingnan ‘yung positibong bagay at mga magagandang bagay na narating ko rin sa pagpasok sa PBB.”

Inamin pa niya na natatakot pa rin naman siya lalo ngayong nagbalik na siya ngunit naniniwala siyang kaya niyang maipakita sa lahat na kaya niyang magpakatotoo at magpaka tao.

“Natatakot pa rin po ako na baka pagbalik dito na i-bash na naman ako o pagsabihan ako ng hindi maganda pero kaakibat nu’n is nandu’n din ‘yung iniisip ko na baka kahit paano maipakita ko sa kanila na hindi ko lang kayang magpakatotoo kundi kaya ko ring magpakatao.

“Kahit anupaman aabutin namin, pumasok man kami sa BigaTen, kahit hindi kami maging big winner, ipakita ko lang sa kanila na kaya ko pong magpakatao, kaya ko rin pong tumayo sa pagkadapa ko po,” sabi pa niya.

Sa huling dalawang linggo ng PBB Kumunity Season 10 ay maglalaban laban sila nina Madam Inutz, Michael Ver, Zach, Stephanie at Maxine upang masungkit ang apat na pwesto para sa Biga10 at makilala ang Big4 ng buong edisyon.



Brenda Mage sa pagbabalik PBB at sa mga bashers niya; “Kaya ko pong magpakatao”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments