Magbabalik tambalan sina Julia Barretto at Joshua Garcia para sa isang pelikula
Magsasamang muli sina Julia Barretto at Joshua Garcia para sa isang bagong pelikula ngayong taon.
Ginawa ng aktres ang anunsyo sa isang panayam kay Boy Abunda para sa kanyang “Who are you when no one’s watching” YouTube series.
“I want to do films this year. I am going to be doing a movie also with Josh under Black Sheep this year,” lahad niya.
Sa parehong panayam, ibinunyag ni Julia kung paano niya palaging sinasabi kay Joshua na huwag munang magka-girlfriend. “Ako tinatanong ko, ‘How are you? May girlfriend ka na ba? Huwag ka munang mag-girlfriend,’” kwento ni Julia.

Sa kanyang paliwanag kung bakit ayaw niya munang magkaroon ng bagong karelasyon ang dating nobyo, saad ni Julia “Sabi niya sa akin, ‘Bakit ba ayaw mo akong magka-girlfriend?’ Sabi ko, ‘Basta huwag ka munang mag-girlfriend.
“Enjoy this. Enjoy what you have now.’ He’s young. He’s in his prime. He’s a brilliant actor. It’s not the time to be limited right now.”

Ani pa ni Julia, umaasa siya kay Joshua na talagang i-enjoy muna nito ang kanyang oras.
Bukod sa kanilang pagkakaibigan, ibinahagi din ni Julia ang isa pang bagay na na-appreciate niya sa kanyang dating nobyo.

“I think one of the things that I really appreciate about him is he respects Ge a lot. That says a lot about Josh as well and how much he’s grown and matured. He respects Ge and that means a lot to me,” aniya, kasabay ng pagtukoy nito sa kanyang kasalukuyang boyfriend na si Gerald Anderson.
Nagsimulang magtambal sa mga teleserye at pelikula sina Joshua at Julia noong 2016. Noong 2019 ay nagtapos ang relasyon ng dalawa sa totoong buhay, hudyat na rin ng pagkabuwag ng kanilang love team.
Ang huling pagkakataon na nagkatrabaho ang dating magkarelasyon ay nang magkasama silang bumida sa music video ng “Paubaya” ni Moira Dela Torre.
Julia Barretto at Joshua Garcia, muling magtatambal sa pelikula ngayong taon
Source: Babaero Balita


0 Comments