Hiwalay na nga ba sina Janella Salvador at Markus Paterson?
Sa latest showbiz update ng manager,host at Youtuber na si Ogie Diaz ay napag-usapan nila ang di-umano’y matunog na isyu ng hiwalayan ng showbiz partner na sina Janella Salvador at Markus Paterson.
Ayon sa pag-uusap nina Mama Loi at Ogie Diaz na base umano sa observation ng mga netizens ay napansin ng mga ito ang tila kawalan ng bagong update sa pagitan nina Janella at Markus sa kanilang kani-kaniyang Instagram account ng litrato kung saan magkasama silang dalawa o di kaya’y magkakasama silang tatlo na pamilya.

Kung sisiyasatin ang kani-kanilang Instagram account ay walang panibagong litrato na magkasama ang dalawa, kundi solong litrato lamang nila o di kaya’y kasama ang anak nila.
“Walang together (Picture) si Mommy at Daddy with bagets, January 01 new year pa yung last, Kaya ang daming nagtatanong kung Janella Salvador at Markus Paterson hiwalay na?,” taning ni Mama Loi.
Sinang-ayunan nga ni Ogie DIaz ang mga napansin ng netizens dahil wala naman na talaga silang litrato na magkasama.
Dagdag pa nga ni Mama Loi ay pinagtibay pa ng kuru-kurong ito ang kakatapos lamang na kasal ng kaibigan nilang si Patrick Sugoi.

Present kasi sa naturang event si Janella habang hindi naman nito kasama si Markus, “Si baby boy lang at si mommy ang nandun,” ani Mama Loi.
“Ang narinig ko lang Loi, ang narinig ko lang ay matagal nang hiwalay si Janella Salvador at si Markus Patterson. Hindi naman taon, mga ilang buwan na,”
“Narinig ko ito Loi na medyo itong si Janella Salvador ay nagkakaroon ng problema kay Markus Patterson,” pagsisiwalat ni Ogie D.
“May drinking habit. ‘Yan ang narinig ko…. Madalas na umiinom ng alak. Na kapag nakakainom ng alak e nagkakaroon ng anger management problem,” pahayag ni Ogie D.

Dahil nga rito ay binalikan ni Mama Loi ang naging dating interview ni Ogie kay Janella kung saan ibinahagi rito ni Janella na may trauma na umano ito sa mga taong palainom.
“Pero kailangan pa nating maka-usap si Janella kung gaanong katotoo ito, minsan naman pag tinatanong si Janella hindi sasagot yun.. so siyempre sasabihin nila silence means yes,” ani Ogie.
Ibinahagi ni Ogie DIaz na kung totoo ngang madalas na nag-aaway ang dalawa dahil sa pag-iinom ay tiyak na makikita ng bata ang nangyayari.
“Ako para sa akin magpahinga muna sila, kung totoong iyon ang dahilan nila,” ang nasabi pa ni Ogie kaya naman napatanong na ito kay Markus kung ano nga ba ang totoo.
Janella Salvador at Markus Paterson hiwalay na raw?, Ogie Diaz ibinahagi ang nabalitaan!
Source: Babaero Balita


0 Comments