Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Vice Ganda at Ivana Alawi naging mag-nanay at anak for a day sa latest vlog

Isang masayang collab ang ibinahagi nina Ivana at Vice Ganda


Patuloy ngang pinatutunayan ni Ivana Alawi ang malakas niyang presensiya sa YouTube world sa mga do nauubusang pakulo nito para sa kaniyang mga tagahanga.

Sa kasalukuyan nga ay mayroon na itong mahigit sa 15 Million followers sa kaniyang YouTube channel at patuloy pa ring nadaragdagan.

Sa kaniyang latest vlog ay masayang ibinahagi ni Ivana ang panibagong collaboration niya sa kaibigan at nag-iisang Unkabogable star na si Vice Ganda.


Sa kaniyang collaboration na tinawag na ‘Mommy Challenge with Vice Ganda’ ay hinamon niya ang unkabogable star na maging kaniyang ina sa loob ng isang araw na siya namang masayang tinanggap ni Vice Ganda kaya naging anak niya for a day si Ivana.

Umarte bilang isang Ina si Vice Ganda kung saan ang kaniyang anak nga ay si Ivana Alawi at dito ay ipinakita niya ang malaking bahay niya sa kaniyang anak.

Dahil umano ngayon lamang muli silang nagkita na mag nanay ay bumawi si Vice sa anak na si Ivana o ang tawag niya sa sarili ay si Britney at nagkaroon sila ng masayang bonding.

Laughtrip agad ang pagsisimula ng kanilang bonding matapos na ipasubok ni Vice ang ilang mga nakakatuwang upuan at mga gamit sa bahay niya.

Habang nasa gilid ng swimming pool pa ay pinasayaw ni Vice and anak niyang si Ivana sa saliw ng kantang ‘Baby One more time’ dahil nga sa outfit niyang ala Britney.

Sa gitna ng kanilang pagba bonding ay nag crave si Britney o si Ivana ng Bulalo kaya naman agad na umorder si Vice para sa kaniyang anak.

Masayang nag meryenda ang dalawa ng ni request ni Ivana na Bulalo kasama na ang corned beef kung saan sinubuan at pinakain ni Vice ang anak niya.

Panoorin ang kabuuan dito:



Vice Ganda at Ivana Alawi naging mag-nanay at anak for a day sa latest vlog
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments