Mag si sexy roles na nga ba si McCoy De Leon?
Kasa;ukuyang tinatangkilik ng mga tagahanga ng McLisse ang kanyang pinakabagong pelikulang ‘Habangbuhay’ kasama si Elisse Joson.
Samantala sinabi ni McCoy De Leon na nagpapasalamat sila ng kanyang kasintahan sa totoong buhay na nabigyan pa rin sila ng pagkakataong mapares sa screen kahit na lumipat siya ng talent agency noong 2020 upang maging bahagi ng Viva Artists.
“Before the baby pa, matagal na sinulat daw ni sir Jon Verzosa, yung writer ng Habangbuhay, na ilaan sa amin. Kumbaga meron na daw talagang nakasulat na project for us daw.
“Kaya nung nabasa na namin yung script, ito recently lang yun may baby na kami. Masaya ako na may project kami pero nagpa-revise lang kami ng konti para mag-match sa time at magawa din namin ng ibang ways naman, ibang atake,” kwento ni McCoy.

“Ngayon happy kami kasi meron pa rin silang ipinagkakatiwalang project sa amin yung Viva siyempre at kami ni Elisse nagkaroon kami ng project together kahit magkaiba kami ng management.
“Thankful kami sa lahat ng nagtiwala, sa Viva, and siyempre sa bumubuo talaga ng Habangbuhay kasi inalagaan daw nila itong storya na ‘to and then now linabas na kaya excited kami na mapanuod niyo,” dagdag pa nito.
Kahit na ngayon ay magkaibang talent agency na ang may hawak sa kanila, sinabi ni McCoy na kailangan pa rin niyang kumonsulta kay Elisse pagdating sa mga desisyon tulad ng pagkuha ng mga sexy na proyekto, na kilala ngayon sa Vivamax.
“Sabi ko ang proyekto, masarap gumawa talaga ng pelikula, isang obra, kaya mas tinututukan ko pag nakakatanggap ako ng proyekto and sa ngayon, hindi ko alam saang chismis galing yun, pero sa ngayon thankful ako sa Viva dahil naintindihan nila ako.

“Alam nila yung gusto ko, alam nila saan ako ililinya. Kaya nasa kanila naman yun at siyempre may mga konting bagay na nasa sa kanya,” saad niya.
Kumpara sa dati nilang pelikulang Sakaling Maging Tayo na ipinalabas noong 2019, ibinunyag ni McCoy kung bakit mas malaking hamon sa pag-arte ang Habangbuhay para sa kanila ni Elisse.
“Sa trailer mukha siyang sobrang drama pero pag pinanuod niya ay naku sobrang parang ride of emotions. First time ko ngang mag-plaster eh.
“Ang role ko dito si JR mas hardworking tapos sobrang matapang siya kasi may backstory siya eh kaya siya nandun. Kaya siya matapang at hindi sumusuko sa buhay,” paliwanag ng aktor.

Kung mapapares sa ibang aktres sa mga susunod na proyekto, sinabi ni McCoy na walang problema basta naniniwala siya sa project na ino-offer.
“Ang project naman kung ibibigay palagi dapat may bago. Kumbaga parang, ibig sabihin gusto ko yung story na maganda talaga. Ang hirap kasi gawin yung pelikula na hindi kami in love sa story. Kaya ang priority namin yung content. Tapos saka na namin pag-uusapan kung sino yung mga kasama,” dagdag niya.

McCoy de Leon, handa na bang sumabak sa sexy roles at mapares sa ibang mga aktres?
Source: Babaero Balita


0 Comments