Lakas loob na tinanong ni Rob Moya si Yassi Pressman kung may chance bang manligaw ang isang kagaya niya sa aktres
Sa isang viral na video ngayon ay usap-usapan ang lakas loob na tanong ni Rob Moya sa aktres na si Yassi Pressman kung maaari ba niya itong ligawan.
Sa isang game show sa TV5 kung saan host si Yassi Pressman ay napabilang ang social media influencer na si Rob Moya sa mga players.
Matapos ang kanilang taping ay nilapitan ni Rob si Yassi tsaka lakas loob na tinanong patungkol sa panliligaw saka naman ito sinagot ni Yassi.
Bago pa man magsimulang magtanong si Rob ay inamin nito sa aktres na matagal na niyang crush si Yassi , noong nagsisimula pa lamang ito at nasa GMA pa lamang ay super crush na umano niya si Yassi, “Super super super crush kita,” sabi pa nito.

“Alam kong imposibleng maging boyfriend mo ako, alam ko yun tanggap ko na yun.. I do have a question,” sunod na sabi ni Rob.
“Am I the type of guy na pwedeng manligaw sa’yo o magiging type mo ba ako?,” tanong ni Rob na sinagot naman agad ni Yassi.

Isa isang sinabi ni Yassi ang ilan sa mga factors umano sa pagpili niya sa lalaki, tulad na lamang ng mabait na sinabi ni Rob na mabait siya.
Nang tanungin naman ni Yassi kung Loyal siya ay agad din naman siyang umo-o, sa tanong din na kung mahal ba niya ang pamilya niya ay oo rin ang naging sagot niya.

Matapos nito ay kinilig naman si Rob nang sabihin ni Yassi na ‘okay’ na parang pahiwatig na pwedeng manligaw ang isang kagaya niya sa aktres.
Biro pa nito na prinipare niya umano ang feelings niyang iyon sa loob ng sampung taon.
Panoorin ang kabuuan ng video dito:
Social Media Influencer na si Rob Moya lakas loob na tinanong si Yassi kung pwede siyang ligawan
Source: Babaero Balita


0 Comments