Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Lolit Solis pinuri ang ugali ni Kim Chiu na hindi pikon; “respeto lang sa choices”

Ikinatuwa ni Lolit Solis ang pag-uugalo ni Kim Chiu patungkol sa pagtanggap nito ng kumento ng ibang tao


Tila ikinatuwa ng showbiz columnist na si Lolit Solis ang pag-uugali ni Kapamilya actress Kim Chiu patungkol sa bashing na natatanggap niya.

Matatandaan kasing maka-ilang beses ng tampulan ng bashing ang kapamilya actress sa paglalabas nitong ng kaniyang saloobin sa madla.

Ika nga ng iba na kahit ano pa man ang gawin ng isang artista mabuti man o hindi kaaya aya sa paningin ng iba ay makakatanggap pa rin ng negatibong kumento.


Dahil nga rito ay tila natanggap o niyakap na ni Kim Chiu ang pagiging dedma sa mga masasakit na salitang ibinabati sa kaniya ng bashers at hindi na ito natatakot na maglabas ng kaniyang saloobin sa mga bagay na nagagawa rin ng pangkaraniwang tao.

Dahil nga sa ugaling ito ni Kim Chiu ay nagustuhan ito ng showbiz columnist na si Lolit Solis na pinuri pa ang aktres sa kaniyang Instagram account.

Ani Lolit na gusto niya ang ugali ng aktres dahil sa hindi na ito napipikon pa sa sinasabi ng bashers at hindi ipinagkaka sama pa ng loob.

“Gusto ko ugali ni Kim Chiu na hindi pikon, Salve. Talagang kahit ano sabihin ng mga ayaw sa kanya, tanggap lang niya, wala siyang reaction,” ani Lolit.

Sinabi nitong dapat ay maging kagaya ng marami si Kim Chiu na hindi dapat pikunin, hindi dapat OA basta kani-kaniyang opinyon lamang.

“Cute ang mga bloopers niya, para ngang dedma talaga. Ganyan dapat ugali ng bawat tao, walang pikon, hindi dapat OA.

“Basta kanya kanya tayong opinyon, walang basagan ng trip, respeto lang sa choices.

“Gayahin natin si Kim Chiu na kampante lang, kaya maganda ang aura ng personalidad niya. Go go Kim Chiu, bongga ka day,” pagtatapos ni Lolit.



Lolit Solis pinuri ang ugali ni Kim Chiu na hindi pikon; “respeto lang sa choices”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments