Hindi naman pala siya ang nasa blind item, Juliana paawa effect lang daw sa mga hirit ni Vice Ganda?
Nitong nagdaang mga linggo lamang ay naging laman ng social media ang pa blind item ni Vice Ganda patungkol sa isang kaibigan niyang pumasok sa pagto troll.
“May kilala rin ako na ganito. Sa totoong buhay, hindi naman siya toxic talaga pero basher siya sa social media. Tapos, nalaman ko kasi troll siya. Trabaho, kasi wala siyang pera, e.
“So, ‘yon yung ng effect, ginawa niya yun, kumapit siya du’n kahit mali kasi kailangan niya ng pera dahil naghihirap na siya,” pagbabahagi ni Vice sa Showtime.
Idinagdag pa nga ni Vice na sinabihan na rin niya ang ilang kaibigan niya na huwag na umanong patulan ang naturang kakilala na ngayo’y nagto troll na, “Umabot na siya sa ganoon samantalang dati, sabi ko, kapag walang pera yun, super pa-Gcash. Nagpapa-Gcash sa mga bakla na, ‘Teh, pa-send naman kasi wala talaga,” dagdag hirit pa niya.

Ilang oras nga lang makalipas nito ay tila tinamaan si Juliana sa naturang pa blind item ni Vice at saka sunod sunod na nagbahagi ng pasaring laban kay Vice.
Umabot pa nga na tila nagsumbong siya sa kaibigang si Daryl Yap ay sinasabing walang katotohanan sa sinasabi ni Vice na nagpapa Gcash siya, ngunit kataka takang kung inako niya ang blind item ay hindi naman niya pinasinungalingan na naging troll nga siya para sa pera?
Matatandaang isa si Juliana sa bida ng mga likhang video ni Daryl Yap na tila isang pang to troll para kay VP Leni Robredo.
Samantala nagsalita naman si Ogie Diaz at tahasan nitong sinasabing hindi naman si Juliana ang pinatutungkulan ni Vice Ganda sa pa blind item niyang ito.

“Marami pa ring naggigiit na si Julianna Parizcova ang tinukoy ni Vice Ganda nu’ng nagsalita siya sa It’s Showtime,” panimula ni Ogie.
“Ito’y pinabulaanan ni Juliana Parizcova nu’ng makarating sa kanya na marami ang nagkokomento na baka siya ang tinutukoy ni Vice,” dagdag pa nito.
Hirit naman ni Mama Loi, “Di ba ‘nay (tawag ni Mama Loi kay Ogie) nag-a-apply din dito ‘yung rule of thumb mo pagdating sa blind item na pag hindi naman binanggit ang pangalan mo, bakit mo aakuin? Nakakahiya naman doon sa taong tinutukoy?”
“Kapag feeling mo hindi naman ikaw ang tinutukoy ‘wag mo angkinin ang blind item, kawawa naman ‘yung totoong may-ari?

“Pero sa pagkakataong ito ‘yung kay Vice Ganda hindi si Juliana Parizcova ang tinututukoy ni Vice Ganda. Ako na ang nagsasabi sa inyo (at) sinabi sa akin kung sino ‘yun at oo nga nu’ng tsinek ko, oo nga. Nagto-trolling.
“Kaya siguro si Vice Ganda nagtataka kung bakit nagre-react hindi naman siya ‘yung tinutukoy,” sunod sunod na sabi pa ni Ogie.
Dagdag hirit pa muli nito, “Naintindihan ko siya kung career wise kung ako ang manager ni Vice sasabihin ko, ‘wag mo nang patulan ‘yan, dedma ka kasi hayaan mo siyang mag-react, mag’isip nang mag-isip basta ang bottom line hindi siya ‘yun.”
Ang payo naman ni Ogie kay Juliana, “Juliana Parizcova sorry to tell you, hindi ikaw ang tinutukoy ni Vice Ganda. Mapanatag na loob mo, huwag ka nang masyadong magsasagot kung alam mo naman sa sarili mo na hindi ka nanghihingi through G-cash, unless gusto mong patulan (dahil) nag-e-enjoy ka. Kaya dedma na Juliana, hindi ikaw ‘yun.”
Hirit tuloy ng netizens na nagmukhang bida bida at paawa effect si Juliana dahil inako ang bagay na hindi naman pala para sa kaniya.
Juliana nag bida bida lang pala, hindi umano ang troll sa likod ng blind item ni Vice Ganda?
Source: Babaero Balita


0 Comments