Nagbalik tanaw si Serena sa panahong nagkakilala sila ng ngayo’y fiance na niya sa isang dating app
Tila nga isang kwento sa pelikula ang pagkakaroon ng isang relasyon na nagmula sa isang kakaibang pangyayari kagaya na lamang sa isang dating app.
Marami ang siyang nahuhumaling ngayon sa mga ganitong klaseng app ang karamihan upang makahanap ng mga kaibigan na makaka-usap.
Ngunit nakakamanghang isipin na dahil na rin sa ganitong app ay maaari na ring makahanap ng taong iyong mamahalin kapag ika’y sinuwerte.
Ito nga ang naging kaso ng dating child actress na si Serena Dalrymple nang ibahagi niya sa kaniyang Instagram account ang masayang kwento ng pagkakakilala nila ng ngayo’y kaniya ng fiance sa isang dating app, apat na taon na ang nakakaraan.

Matatandaang si Serena ay isa sa pinaka sikat na child star noong kabataan niya dahil na rin sa pagbida niya sa ilangh sikat na mga pelikula.
Huli siyang napanood sa pelikulang ‘Ang Tanging Ina’ ng Star Cinema kung saan gumanap siya bilang isa sa labin dalawang anak ni Ai Ai Delas Alas.
Ikinagulat pa nga ng marami ang naging desisyon niyang lisanin ang showbiz industry dahil na rin sa husay niya sa pag-arte.
“Marami akong reasons for leaving showbiz and Philippines. One of the biggest reasons was during the time na wala ako masyadong projects, and I realized na I can’t rely on just my acting career I need a back-up plan, eventually my back-up plan became my priority. I chose studies over acting,” aniya sa isang interview sa PUSH.

Matapos nang pag alis niya ay nanirahan na siya sa amerika upang abutin ang pangarap niya at sa kasalukuyan nga ay nagta trabaho umano ito sa isang malaking kumpanya doon.
Sa kaniya ngang Instagram account ay sinariwa ni Serena ang pagkakakilala nila ng ngayo’y fiance na niya na si Thomas Bredillet, na ayon sa kaniya ay mapapangasawa na niya ngayong taon.
“4 years ago today, I went out on a date to meet this French dude I matched on bumble. Who knew that I’ll end up marrying this handsome smart sweet (now) American dude this year? ,” ani nito sa kaniyang post.
Matatandaang July nang nakaraang taon ng ibahagi ni Serena ang masayang balita ng pagkaka engage niya kay Thomas.
Serena Dalrymple masayang ibinahagi na ikakasal na sa boyfriend na nakilala sa isang dating app
Source: Babaero Balita


0 Comments