Sinalubong ng malakas na palakpakan ng humigit-kumulang 144,000 na dumalo sa lungsod ng Malolos, Bulacan ang comedy superstar na si Vice Ganda nang s
Sinalubong ng malakas na palakpakan ng humigit-kumulang 144,000 na dumalo sa lungsod ng Malolos, Bulacan ang comedy superstar na si Vice Ganda nang sorpresa itong nagpakita noong Miyerkules sa campaign rally ni presidential candidate Leni Robredo.
Ang “It’s Showtime” host ay hindi orihinal na kasama sa lineup ng mga artista para sa programang “Republika 2.0” sa Malolos Sports Complex. Gayunpaman, nagpasya siya sa huling minuto na batiin ang mga kapwa tagasuporta ni Robredo.
“Gandang gabi, madlang pinkpol!” pagbati ni Vice, bilang pagtukoy para sa mga tapat na manonood ng kanyang noontime program at ang kulay ng kampanya ni Robredo.
“Hindi po talaga ako kasama sa programa ngayong gabi. Nandito lamang po ako dahil nagbigay-pugay ako kay Madam Leni at sa lahat ng naririto. Napag-isipan kong nakakahiya naman kung hindi ako sasampa at magbibigay-pugay man lang sa inyo at magpapasalamat sa presenya niyong lahat na naririto na magagandang Pilipino.”

Unang nagpahayag si Vice Ganda sa kanyang pag-endorso kay Robredo noong Abril 23, sa Pasay City rally ng presidential aspirant na nagdiwang rin ng kanyang kaarawan.
“Ang ginagawa ninyong pagsuportang ito at ang desisyon ninyong tumindig at makiisa kay Madam Leni at sa kanyang mga programa, ay desisyong nakaka-proud,” he said on Wednesday. “[Ito ay] desisyong maipagmamalaki niyo, hindi niyo kinakailangang ikubli. Desisyong maipo-post niyo sa Facebok nang hindi nahihiya.”

“Dahil ’pag sinulat natin sa balota ang pangalang Robredo, tayong lahat ang mananalo. Panahon na para kayo naman ang manalo. Matagal na tayong talunan, matagal na kayong nakakaramdam ng talo. Panahon na para manalo, at ito na ’yun.
“Isulat sa balota — Leni Robredo, kasama ang kaniyang mga kagrupo. Suportahan natin. Pink tayong lahat.”

Noong Miyerkules, ang mga kasamahan ni Vice Ganda na mga komedyante na kilala bilang Beks Battalion, kasama sina MC at Lassy, ay nagbigay-aliw din sa mga tagasuporta ni Robredo sa mini rally ng bise presidente sa bayan ng Baliwag, Bulacan.
Ilang oras lang bago sumapi sa kanyang grupo sa Bulacan, sinagot ni Vice Ganda ang mga akusasyon na ang mga artistang tulad niya na nagpahayag sa publiko sa kanilang pampulitikang paninindigan ay motibasyon ng pagpapanumbalik ng broadcast franchise ng ABS-CBN.
Ipinunto niya na mula noong naipasara ang ABS-CBN ay mas nakilala ito bilang isang content provider. Hindi na rin nag-a-apply para sa isang prangkisa ang kompanya, at ang dating free-TV at mga digital frequency ng network ay naibigay na sa ibang mga grupo ng media.
Vice Ganda, bumulaga sa rally ni VP Leni Robredo sa Bulacan
Source: Babaero Balita


0 Comments