Juliana Pariscova inaako nga ba ang pagpaparinig ni Vice patungkol sa mga bayarang trolls dahil sa mga sunod sunod nitong post?
Viral at usap-usapan ang naging pahayag ni Vice Ganda sa segment ng It’s Showtime na Sexy Babe kung saan napag-usapan ang patungkol sa trolls.
Naitanong kasi sa isa sa mga contestant ang patungkol sa Bashers; “Naniniwala ka bang kapag basher ka sa social media, toxic ka rin sa totoong buhay? Bakit?”
Agad naman itong sinagot ng kandidata at sinabing naniniwala siyang hindi naman toxic sa totoong buhay ang mga basher, na agad sinang-ayunan ni Vice.
“May kilala rin ako na ganito. Sa totoong buhay, hindi naman siya toxic talaga pero basher siya sa social media. Tapos, nalaman ko kasi troll siya. Trabaho, kasi wala siyang pera, e. So, ‘yon yung ng effect, ginawa niya yun, kumapit siya du’n kahit mali kasi kailangan niya ng pera dahil naghihirap siya,” panimula ni Vice.

“Kaya sabi ko sa iba naming kaibigan, huwag niyo nang patulan, di ba? Masakit man, pero yun ang epekto sa kanya ng kahirapan. Kinailangan niyang gawin yun, di ba?
“Hindi man katanggap-tanggap, pero siguro wala na siyang choice. Mabait naman ‘yan, e, pero ngayon, magugulat ka talaga yung mga post niya, tapos nalaman namin troll pala siya,” dugtong nito.
“Umabot na siya sa ganoon samantalang dati, sabi ko, kapag walang pera yun, super pa-Gcash. Nagpapa-Gcash sa mga bakla na, ‘Teh, pa-send naman kasi wala talaga.’
“E, ngayon, siyempre siguro lahat napa-Gcash na niya, kumapit na sa pagiging troll, at marami pong ganyan, ha?,” pag-amin pa ni Vice.

Nag-viral ito at talaga namang naging usap-usapan dahil nais malaman ng mga taga hanga ni Vice kung sino nga ba ang tinutukoy niya.
Walang pangalang binagit si Vice ngunit kataka-takang tila inaako umano ni Juliana ang naturang parinig ni Vice ayon sa mga netizens dahil na rin sa magkakasunod na post ng die-hard supporter ni BBM.
Sa isang post ay nagbahagi siya ng mismong video ni Vice Ganda kung saan sinasabi nito na na hindi na niya problema ang panghuhusga ng ibang tao.
Sa kabila ng tila pagpaparinig niyang hindi niya pinu-problema ang pang huhusga ay tila ba nagsumbong ito sa kaibigan niyang si Daryl Yap at ikinuwentong hindi umano totoong nag papa Gcash siya noon kahit na naghihirap na siya.
Pinayuhan naman siya ni Daryl Yap na kung hindi naman totoo ang binibintang sa kaniya ay hayaan na lamang niya ang mga ito.

Ayon pa sa ilang netizens na kataka-taka lamang din na kung ide deny niya na hindi siya nagpapa Gcash noon ay bakit hindi niya dine deny na isa siyang bayarang Trolls?
Dugtong pa nga ng ilang netizens na kung bakit tila tinatamaan siya ng malala kung hindi naman ito pinangalanan ni Vice Ganda.
“Tinamaan ka naman yata teh bwahaha wala namang binanggit na pangalan hahahahha aminado yarn?? HAHAHAHHAHA,” kumento ng isang netizen na natatawa na lamang sa nangyayari.
“Ang best advise jan Juliana is “Bato bato sa langit, ang tamaan ay wag magalit!”Guilty much teh??,” dagdag kumento pa ng isa.
Matatandaang isa si Juliana sa mga bumida sa mga video’ng likha ni Daryl Yap na ‘Len-Len’ na sinasabi nilang hindi umano patama kay VP Leni ngunit patuloy naman nilang nilalait ang Bise Presidente, minsan pang sinabi nila na hindi nga ito patungkol kay VP kaya dapat ay huwag silang matamaan… Hmmmm
Walang pangalan pero Juliana, inako ang parinig ni Vice patungkol sa pagiging bayarang troll?
Source: Babaero Balita


0 Comments