Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Karina Bautista, may planong sumabak sa national beauty pageant?

Ibinahagi ni Karina Bautista na bukas siya sa pagsali sa isang national beauty pageant sa hinaharap. Pero sinabi ng Kapamilya star na kailangan pa ni


Ibinahagi ni Karina Bautista na bukas siya sa pagsali sa isang national beauty pageant sa hinaharap. Pero sinabi ng Kapamilya star na kailangan pa niyang makakuha ng mas maraming karanasan bago siya sumali.

Marami ngang nagsasabi na ‘uy sumali ka.’ Pero pinag-iisipan ko pa po. I am turning 20. So I am still young pero maybe about 3 to 4 years after today, after this interview baka sumali po ako. Kasi feeling ko parang hilaw pa ‘yung experiences ko,” ani ng aktres sa isang panayam ng Star Magic Inside News.

Sa tingin daw niya ay sasali siya sa isang pageant kapag umabot na siya ng 23 taong gulang o higit pa.


Like when the day comes, mas know na ‘yung core ko, parang enriched na talaga lahat ng values ko, so I think it’s the best time to join like around 24, 23 or 25, something like that,” ani niya.

Ipinahayag ng Kapamilya star na sumali talaga siya sa isang pageant noong 15 years old siya na nakatulong sa pagpapalakas ng kanyang kumpiyansa.

I’ve always wanted to join kasi I started off 15 years old nagpa-pageant na ako as my way of living. Doon ako nakakuha ng confidence para mag-artista. Kasi dati naman ay boyish-boyish pa ako like radio broadcaster lang ako, hindi pa nga ako TV broadcaster nung time na ‘yon, kahit sinasabi nila na ‘uy may face ka.’ So it’s really me and my passion to be able to walk on the Binibining Pilipinas stage,” pahayag niya.

Ayon kay Karina, isa sa mga iniidolo niyang beauty queen ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

“Sa kanya ko natutunan na your answers hindi kailangan scripted. It’s okay to have a few lines memorized but emotions should come from the heart and that comes from being genuine for what your advocacy is,” paliwanag niya.

Sumikat si Karina matapos sumali sa Pinoy Big Brother: Otso noong 2018.

Pagkatapos ng kanyang PBB stint, naging bahagi siya ng iba’t ibang programa sa telebisyon sa ABS-CBN tulad ng Sandugo, Ghost of the Past, Viral Scandal, at Hoy Love You!, at iba pa.



Karina Bautista, may planong sumabak sa national beauty pageant?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments