Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Ana Jalandoni winelcome na ng Cornerstone Entertainment, nagka ayos na nga ba sila ni Kit?

Pormal ng pumirma ng artist contract si Ana Jalandoni sa Cornerstone Entertainment, gudyat na rin kaya ito ng pagkaka ayos nila ni Kit Thompson?

Sa kanilang social media accounts ay pormal na inanunsiyo ng Cornerstone Entertainment ang pag welcome nila kay Ana Jalandoni.

“Our dearest Ana has already been with us for quite some time. Now it is our pleasure to officially welcome her to our growing family. Welcome to Cornerstone Ana Jalandoni!” ayon sa caption.

Ito nga ang talent management agency ng nobyo rin niyang si Kit Thompson.


Ayon sa ilang balita ay matagal naman ng bahagi talaga ng Cornerstone family si Ana Jalandoni mula ng dalhin siya rito ng nobyong si Kit. Ngayon lamang umano pormal na pumirma ng kontrata si Ana Jalandoni sa Cornerstone.

“Thank You Fam,” reply pa ni Ana sa naturang post ng kaniyang agency.

Sa kaniyang Instagram stories naman ay ibinahagi ni Ana ang ilang congratulatory post sa naturang panibagong takbo ng kaniyang karera sa showbiz.

Matatandaan ngang ngayong unang bahagi ng taon ng pumutok ang pangalan niya dahil na rin sa pambubugbog sa kaniya ng nobyo niyang si KIt Thompson.

Mabilis na isinigod siya sa Hospital dahil sa mga pasang natamo niya sa nangyaring awayan sa pagitan nila ng nobyo.

Matatandaan pang nagpadala ng bouquet of flowers si Erickson, ang may-ari ng Cornerstone, noon kay Ana habang nagpapagaling sa hospital.

Ipinagpasalamat din ni Ana ang naturang magandang loob na ipinakita sa kaniya ng Cornerstone, na noo’y hindi pa siya isang contract artist.

Tanong tuloy ng marami na sa kabila ng pagpasok na ito ni Ana sa Cornerstone ay nagka ayos na ba sila ng dating nobyong si Kit Thompson?

Matatandaang nang humarap sa media/press noon si Ana Jalandoni ay inilabas niya ang galit niya laban kay Kit sa pangyayari ngunit sa huli inamin niyang mahal pa rin niya ang aktor.

“Siyempre, hindi ko deserve ‘yung nangyari sa akin. Hindi ko pa po iniisip kung babalikan ko. Ang iniisip ko ay ‘yung karapatan ko bilang babae na hindi katanggap-tangap ‘yung nangyari sa akin. Pero ‘yung love po, nandu’n pa rin siya.” aniya.



Ana Jalandoni winelcome na ng Cornerstone Entertainment, nagka ayos na nga ba sila ni Kit?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments