Sinupalpal ni Vice ganda ang isang basher na nagsabing magagaya si Vice sa mga hiwalayan
Naging usap-usapan nga ang hiwalayan nina Moira Dela Torre at asawa nitong si Jason Hernandez ngayong linggo lamang.
Dahil sa pangyayaring ito ay marami ang siyang nasaktan din sa pangyayari dahil na rin sa mga magagandang kantang nikha ng dalawa.
At hindi rin nakaligtas ang ilang nagdaang mga naging hiwalayan dahil sa panibagong hiwalayan na ito, na sinasabi ng iba ay tila nagiging sunod sunod na sa bansa.
Ang iba nga ay sinabing hindi na sila maniniwala sa pag-ibig dahil sa pangyayari, may iba naman ang nagsabi na sa kabila ng pagiging relihiyoso ng isang tao ay magagawa pa ring magloko kung choice nito na manloko talaga sa kaniyang partner.

At hindi na rin nakaligtas sa tampulan ng usapan ang mga magkaka relasyon na nadadawit sa mga pasaring ng ilang netizens.
Nauna na ngang nadawit ang panagalan nina Jessy Mendiola at Luis Manzano dahil sa mga memes ng pag-iyak ng mga groom na nakipag hiwalay sa kani kanilang partner.
Ngayon naman ay nadawit na maging ang unkabogable star Vice Ganda sa mga pasaring ng ilang netizens sa ilang sikat na personalidad.
Isang twitter user ang siyang nagkumento hingil sa masayang relasyon mayroon ngayon si Vice Ganda at sinabing hindi rin magtatagal ay magagaya na rin ito kina Moira at Jason na nauwi sa hiwalayan.

“Kung si Moira nga iniwan at niloko, si vice ganda pa kaya, watch. Money, money.,” tweet ng isang netizen na reply mula sa litrato nina Vice Ganda, Ion Perez, Kalad karen at boyfriend nitong si Luke Wrightson.
Hindi naman ito nakaligtas sa paningin ng unkabogable star at sinagot ang naturang paratang ng netizen laban sa kanila ni Ion.
“Sayang yung ibang relasyon noh di nagtatagal. Buti pa yung inggit sa puso mo panghabang buhay!,” quote retweet ni Vice sa naturang netizen.

Ipinagtanggol din siya ng ilang taga suporta niya at sinagot ang paratang ng netizen.
“Nakakalungkot lang na may mga tao pa ring naniniwala na kapag Bakla ka walang magmahal sayo unless may pera ka. Like 2022 na. Love is for all human being. Unless Hindi sya human Kaya di sya naniniwala,” hirit ng isa.
“bat kapag same sex relationship laging iniisip ng mga straight ay laging may money involved? genuine dn nmn kami magmahal. sa sobrang genuine kahit kasalanan na eto sa mata ng ibang tao pinipili pa dn nmin silang mahalin. @dolay09 wag ka masyado paladesisyon sa buhay ng iba,” sabi naman ng isa pa.

Vice sinupalpal ang basher na sinabing magagaya siya kay Moira
Source: Babaero Balita


0 Comments