Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Anji Salvacion, ibinahagi kung saan ilalaan ang mga napanalunan sa Pinoy Big Brother

Sa isang panayam ay ibinahagi ni PBB Kumunity Big Winner Anji Salvacion kung saan niya ilalaan ang mga napalunan mula sa programa

Ngayong natupad na niya ang kanyang PBB journey, natanong Big Winner na si Anji Salvacion kung ano ang susunod na pangarap na gusto niyang maabot.

Sagot ni Anji, “I want to go International.” Nagkwento rin si Anji tungkol sa kanyang recent concert na The Feels.

Sinabi ng mang-aawit na ito ay talagang isang dream come true para sakanya. “What I love the most about the concert was when I got to sit on the floor singing ‘You are My Sunshine’ and ‘Dalampasigan’ at the same time and I sing those two songs for my Sunshines (her fan group) and I am just so happy na all of my dreams came into a reality.


“So looking back dati pinapangarap ko lang, kumakanta lang ako sa dalampasigan and now I am able to sing and I am able to experience din a connection between a performer and an audience, it was so fun,” aniya.

Ibinahagi ni Anji kung saan niya ilalaan ang kanyang mga napanalunan mula sa Pinoy Big Brother. Sa isang panayam sa isang episode ng PUSH Bets Live, ibinahagi ng PBB: Kumunity Season 10 Big Winner na gagamitin niya ang kanyang mga napanalunan para sa medikal na pangangailangan ng kanyang kapatid, para sa tahanan ng kanyang pamilya, at para sa kanyang physical check-up.

“Unang-una sa lahat po for my brother’s medical care kasi he needs po hearing aids for his ears, and papa-check up po ako sa likod ko, and aside from that po I am planning to build a house for my family,” pahayag niya.

Kasunod ng kanyang malaking panalo sa PBB, nagpost din si Anji sa social media ng mensahe para sa mga naging instrumento para siya ay maging Big Winner.

“All to You and all for You Lord!!! Thank You so much for showering me and family with such blessings in life. Maraming maraming salamat @pbbabscbntv Kuya for giving me the chance to be one of your housemates, salamat po sa lahat ng mga parangal at payo niyo po.

“I will forever live my life with all of this learnings Maraming salamat po sa lahat ng PBB staffs/crews for always being there for us and for always making sure we are all okay and for taking care of us, thank you all so much for being a part of the long walk of mine,” mensahe niya sa kanyang post.

Ipinaabot din niya ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga kapwa housemates na naging bahagi ng kanyang journey.

“Maraming salamat sa lahat po ng mga housemates for adding up some spices in my life maraming akong natutunan sa inyong lahat I’m thankful and grateful I learned a lot of things from you, to valuing relationships in friendship and giving more meaning to what really the word family means,” saad niya.

Nagpasalamat rin si Anji sa ABS-CBN management, “Thank you po to all of the bosses of @abscbn and @kumuph for helping me reach my dreams Thank you po ng marami direk @direklauren and tita Cory for giving this awesome experience and for teaching us how to be grateful to everything.”

Sa pagtatapos ng kanyang post sa social media, nagsulat si Anji ng isang nakakaantig na mensahe para sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta.

“Thank sa lahat ng sunshines na inilaban nyo ako hanggang sa dulo you guys are always there for me. To my magulangs of anji, omg rebecca, IBM and to all the Fandoms under the umbrella of Team Anji University thank you so much. You guys are awesome.

“Can’t wait to meet you all. Thank you ate P, ate Diane and ate Nichole for the guidance At maraming salamat din sa mga supporters from the other fandoms na nag BBS sa akin hindi ko na po kayo mamention isa isa God bless you all.

“Team Eian you guys are awesome, kuya @thestallion09 Thank you so much for always protecting me,” pahayag niya.



Anji Salvacion, ibinahagi kung saan ilalaan ang mga napanalunan sa Pinoy Big Brother
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments