Nagsalita na si Andrea Brillantes patungkol sa tila hindi matapos tapos na bashing na kaniyang natatanggap
Inamin ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na marami pa siyang natututunan sa showbiz, sa kabila ng isang dekada niya industriya.
Tila nga si Andrea Brillantes ang ngayo’y pinaka maingay na artista sa social media, na sa kahit maliliit na gawain niya ay napapansin ng netizens.
Ngunit kaakibat nga nito ay ang pagkakaroon din ng napakaraming bashers na sa miski maliit na bagay na kaniyang gawin ay may puna pa ring ang bawat isa.
Naging bukas naman si Andrea na pag-usapan ang tungkol sa kanyang mga pinagdaanan para maabot ang kasikatan habang kasama ang iba pang kabataang Kapamilya stars sa June cover ng sikat na fashion magazine na Mega.

Sa isang panayam sa magazine, ibinunyag ng aktres na hindi niya namamalayan ang mga pambabash sakanya nang pasukin niya ang mundo ng showbiz ilang taon na ang nakararaan.
“When I was younger kasi, puro lang ako love, happiness and positivity. Never ko inisip ’yong mga bashing, kasi nga di naman gano’n ang tingin ko sa mundo,” saad ng aktres.
Gayunpaman, napagtanto niya sa kalaunan na may mga tao talagang laging naghahanap ng kamalian kahit gaano pa kaganda ang kanyang intensyon.
“Madaming tao na di ka maiintindihan. Madaming tao na ’yong actions mo kahit good intentions ’yan, puwede pa rin nilang maliin,” dagdag pa niya.

Ayon sa Kapamilya actress, sa pagkakataong ito lang niya natutunang panghawakan ang mga payo na nakuha niya mula nang magsimula siyang maging artista.
“Kahit 10 years na ako sa industry na ito, ngayon lang ako natututo. Ngayon ko lang din talaga ina-absorb ’yong mga advice ko sa sarili ko at ng ibang tao,” aniya.
Kasama ni Andrea sina Belle Mariano, Francine Diaz, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Jayda Avanzado sa cover ng Mega, na nagbibigay pugay sa ika-30 anibersaryo ng talent agency na Star Magic.
Napag-usapan ng mga Kapamilya actress ang pagiging bahagi ng kuwentong Star Magic na naghasa at nagbigay ningning sa maraming magagaling na bituin sa industriya tulad nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, at Jodi Sta. Maria.
Andrea Brillantes sa natatanggap na bashing; “Maraming tao na hindi ka maiintindihan”
Source: Babaero Balita


0 Comments