Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Kris Aquino patungo na ng Amerika upang magpa-galing; “Time is now my enemy”

Ibinahagi ni Kris ang panibagong update patungkol sa kaniyang kalusugan

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Queen of All Media Kris Aquino ang panibagong update patungkol sa lagay ng kaniyang kalusugan.

Ibinahagi nito ang panibagong update kung saan ibinunyag niya kung ano na nga ba ang pinaka malaking kalaban sa buhay niya.

Kalakip din ng kaniyang mensahe ang maraming pasasalamat sa mga taong patuloy na nagdarasal para sa kaniyang mabilis na pag galing.


“Not a long caption: Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal for my recovery. Here’s the TRUTH as explained by my attending physician Dr. Niño Gavino, an exceptional Filipino American doctor based in Houston who successfully diagnosed what’s really wrong with my health,” panimula ni Kris.

Sa sumunod na mensahe niya ay dito na niya isiniwalat na ang oras na ang kaniyang kalaban dahil naghahabol ito at umaasang kayanin pa ng katawan niya ang lahat.

“I’ll miss you- my friends & followers very much. Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart. so many people to thank but I choose to do that privately. #grateful”

Ang sumunod pa na mensahe niya ay tila isang pamama-alam sa lahat, kaakibat ang pananalangin na nawa’y malagpasan niya ang matinding pagsubok.

“For now and the next few years- sadly, it’s goodbye. Praying na kayanin ng katawan ko itong matinding pagsubok.

“Kahit 17 hours away na kami nila kuya josh & bimb to fly to & the Pacific Ocean separates the 🇵🇭 from 🇺🇸, i’d still like to end this with,” ani Kris kaakibat ang hashtag Lovelovelove.

Ilang malalapit na kaibigan sa showbiz ang siyang nagbahagi ng kanilang mensahe para sa malaking pagsubok na ito na kahaharapin ni Kris Aquino.

“We’ll be praying for your health and recovery kris..,” kumento ni Judy Ann Santos. “Pagaling po kayo, Ms Kris,” ani naman ni Neri Naig.

“I love you gorge!,” sabi naman ni K Brosas. “Big hug ate. Praying for your recovery,” pakli naman ni Anne Curtis. “Will miss you so much and the boys. See you in the US,” sabi naman ni Darla.



Kris Aquino patungo na ng Amerika upang magpa-galing; “Time is now my enemy”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments