Hiwalay na sa kaniyang kasintahan, ipinagpalit nga ba si Chad Kinis sa lalaking may mas magandang katawan?
Hiwalay na sa kaniyang nobyo ang kumedyanteng si Chad Kinis, ito ang hindi man niya tahasang inamin ay hindi rin naman niya itinanggi.
Sa naganap pa ngang presscon recently ng kaniyang bagong pelikula ay hindi ito mababakasan ng anumang kalungkutan sa nangyaring hiwalayan nila.
Bukod pa rito ay hindi naman na nagku-kuwento pa ng patungkol sa hiwalayan nila si Chad, tila hindi na nga nito nais pang mabigyan pansin ang hiwalayan nila.
Ngunit sa kaniyang isa sa mga latest vlog na may titulong ‘Road to Hipon’ ay tila nagparinig ito laban sa dating nobyo patungkol sa pagpapalaki niya ng kaniyang katawan at pagsasabi na dahil sa magandang katawan kaya siya naloko.

“Kaya nga pala ako nagpapaganda ng katawan para hindi tayo ipinagpapalit sa mga lalaking magaganda rin ang katawan. Dyusko, maganda pala ang katawan ng [inaudible] kaya naloko tayo.
“Ang gawin natin, magpaganda rin tayo ng katawan para makita natin kung ano ang sinayang niya… eme… charos…” makahulugang parinig ni Chad.

Maging ang mga vlog na magkasama silang mag jowa noon ay burado na rin sa YouTube channel nito, pati na rin sa Instagram account nito ay burado na ang mga litrato nila.
Hindi man niya tahasang sinasabi ay pagpapahiwatig nga ito na nagkaroon ng panloloko at third party sa pagitan ng kanilang relasyon.

Ang boyfriend niyang si Niko ALano Chua ay isang model, kung saan ipinakilala ni Chad bilang kaniyang nobyo nitong June ng nakaraang taon.
Nakakalungkot ngang hindi man lamang umabot ng mahigit sa isang taon ang naging relasyon nina Chad Kinis at Niko Chua.
Chad Kinis hiwalay na sa boyfriend, lalaking mas maganda ang katawan ipinalit sa kaniya?
Source: Babaero Balita


0 Comments