Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Deanna Wong sa pag come out niya sa kaniyang pamilya; “Hindi kami nagkasundo”

Inamin ni Deanna Wong na hindi naging madali sa kaniya at kaniyang pamilya ang pag-amin niya patungkol sa kaniyang kasarian

Ibinahagi ni volleyball star player Deanna Wong ang pangyayari nang umamin siya ng kaniyang kasarian sa kaniyang pamilya.

Sa YouTube vlog ng batikang brodkaster na si Karen Davila ay nakapanayam nito ang superstar athlete at naitanong nito ang patukol sa kung nag come out na ba siya officially sa pamilya niya.

“In a way, it says that. I haven’t really being straight to the point with it [sexuality], being direct with it but syempre siguro I think it says na something na parang, ‘Ito ako, this is who I am.’


“Sila na lang ang bahala mag-interpret kung ano yun,” sagot niya. HIndi man niya direkta pang sinagot kung ano ang Gender preference niya ay inamin naman niyang ina acknowledge niya ang sarili niya bilang bahagi ng LGBTQA+ community.

Naitanong muli ni Karen na kung ano ang napagdaanan niya o kung naging madali ba ang oag-amin niya ng kaniyang nararamdaman sa kaniyang pamilya.

“Yes it was, very very much. Lalo na them [parents] coming from a different generation, they have their own personal beliefs, opinions, perspectives, hindi kami nagkasundo,” pagkukwento ni Deanna.

Aniya, mas naging mahirap daw na tanggapin ito para sa kanyang ama dahil nga sa sarili nitong paniniwala sa buhay.

“He didn’t go for it kasi yun nga, his beliefs nga, we’re saying something different. Sa isip ko kasi, you live your own life and your life means doing things that make you happy,” dagdag pa ni Deanna.

Natanong naman ni Karen kung paano niyakap ng volleyball player ang sarili.

“It was me believing na nagustuhan ko lang naman yung tao eh, parang minamahal ko lang naman siya. And if I’m not stepping on anyone’s toes, or anything like that, hindi naman siya mali. It wasn’t really because I was who I am right now, dahil nga naglalaro ako ng volleyball. It’s just because how I really felt,” pagbabahagi ni Deanna.

Matatandaang marami ang mga naging tagasuporta nila ng kapwa volleyball player na si Jema Galanza noong 2020 ngunit marami rin nalungkot nang mapabalita naghiwalay na sila nitong taon.

Naitanong naman din siya kung bukas siya sa posibilidad na magkaroon ng male suitors ay napaisip ito at sinabing, “We’ll see. Nothing is impossible.”

“I don’t really have a type so if I like the person, I like the person. If I love the person, I love the person as long as that person will treat me right, is kind, is God-fearing, go, why not?” dagdag pa niya.



Deanna Wong sa pag come out niya sa kaniyang pamilya; “Hindi kami nagkasundo”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments