Proud na ibinahagi ni Ion Perez ang naipundar niyang sasakyan mula sa kaniyang ipon
Masayang ibinahagi ni Ion Perez sa kaniyang Youtube vlog ang kaniyang naipundar na gamit mula sa kaniyang pag-iipon.
Sa kaniyang latest YouTube vlog ay ibinida rito ni Ion ang naturang nagong kotse niya na ayon sa kaniya ay segunda mano lamang ngunit ikinapa proud nya ito.
Ibinunyag niya na ang perang ipinambili rito ay sarili niyang pera mula sa ilang taong pagta-trabaho niya at inipon talaga niya para makabili nito.
Inamin naman niya na gusto talaga niya ay ang makabili ng isang brand new car ngunit hindi pa umano kaya ng kaniyang budget kaya naman naisipan na lang niyang ipambili ito ng isang segunda mano kesa ipilit na bumili pa ng brand new.

“May naipon ako na kaunti para sa gusto kong kotse though second hand lang siya. Gusto ko sana mag-brand new kaso hindi pa kaya ng budget,” pahayag pa nito.
Isiniwalat pa nga nito na nagustuhan niya ang naturang kotse dahil sa kung titignan ay mukha pa rin umano itong bago sa kabila ng pagiging segunda mano, dagdag pa ang astig na itsura.

Biro naman niya na noong unang beses umano niyang makita ang kotse ay tila bumilis ang tibok ng puso niya at nagkaroon agad sila ng spark sa isa’t-isa.
Hindi naman maitago ni Vice ang labis na kasiyahan para sa kaniyang mister matapos na makapag pundar ng sariling gamit.

Super proud ito dahil nakabili ito ng sariling sasakyan mula sa pagta trabaho niya sa showbiz, kabilang na ang paglalabs niya sa Kumu.
Napuno pa ng tawanan ang nasabing vlog ng pabirong inokray ni Vice ang naturang kotse dahil sa nakita niyang basahan sa loob nito.
Panooorin ang kabuuan ng vlog niya rito:
Vice, proud misis kay Ion matapos makapag pundar ng second hand na kotse
Source: Babaero Balita


0 Comments