Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Dennis Padilla, hindi sinusustentuhan ang tatlong anak? “Alam ko na alam ni Julia…”

Nagbahagi ng kaniyang nalalaman si Cristy Fermin ukol sa isyu sa pagitan nina Dennis Padilla at mga anak nito

– May reaksyon si Cristy Fermin kay Dennis Padilla na hindi umano sinusustentuhan ang kanyang tatlong anak kay Marjorie Barretto

– Naglabas ito ng hinaing sa kanyang programa kasama si Morly Alinio sa ‘Showbiz Now Na!’ recent episode nila sa YouTube

– Isa ang hidwaan nina Dennis at kanyang anak ang napagdiskusyunan nila sa kanilang showbiz program na viral na viral ngayon


Usap-usapan ngayon sa social media ang hidwaan ng aktor na si Dennis Padilla sa kanyang anak kay Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia, at Leon Barretto. Nito kasing nakaraang father’s day, tila nakalimutan ng kanyang anak na batiin siya sa araw ng mga ama kaya naman naglabas ito ng kanyang saloobin hinggil sa kanyang anak.

Agad naman itong nag-sorry dahil ‘miss’ niya lang daw kasi ang mga ito. May mga pumutakte sa kanya ngunit may mga nakaintindi naman sa kanyang sitwasyon.

Ilan sa mga kilalang showbiz vloggers na naglabas ng kanilang reaksyon sa isyu ay sina Ogie Diaz, Lolit Solis, at Cristy Fermin.

At sa bagong episode nga ng ‘Showbiz Now Na’ nina Cristy Fermin, sinabi nitong hindi ito nagbibigay ng financial support sa kanyang mga anak.

Naniniwala rin siyang alam nina Julia, Claudia, at Leon na hindi nga sila sinusustentuhan ng kanilang ama. “Hindi nga kailangan magsalita ng ina e. Ako kukunin ko na ‘yung pagkakataong ito, ilalatag ko ‘yung sarili ko bilang ang mga anak ko ay ako lang ang kasama. Ako ‘yung nanay, ako ‘yung tatay.

“Alam ng mga anak ang nagaganap sa bahay araw-araw. Alam ng mga anak kung nagbibigay ng sustento o hindi ang kanilang tatay. Alam ng mga bata kung kahit singkong duling may nakakarating sa nanay nila kapag nangangailangan ng panggastos ang mga anak,” panimulang pahayag ng showbiz columnist.

“Alam ko na alam ni Julia, ni Claudia saka ni Leon na walang sustentong ibinibigay si Dennis. At ‘wag kwestiyonin ang sustento. Anak niya kay Marjorie ‘yung tatlo, nagkahiwalay man, dapat may pananagutan pa rin siya, may reponsibilidad pa rin bilang ama,” dagdag pa nito.

Ang kanyang co-host, Morly Alinio, ay ipinakita rin sa viewers ang kanyang opinyon sa isyu ng mag-ama. “At kahit sabihin pang tanggihan ni Marjorie ‘yung ibibigay niya, dapat i-insist niya, Kasuhan niya si Marjoie, ‘Bakit hindi niya tinatanggap ang ibinibigay para sa aking anak e karapatan kong bigyan ang aking anak,” saad ni Morly. Dugtong pa niya,

“Ang kwenstiyon dito, Ate Cristy, nakalimutan nga ba? Tinalikuran nga ba? Hindi nga ba naisip ni Dennis na suportahan ang kanyang mga anak… hindi ba siya sumubok na, ‘Kailangan, maibigay ko ito’?”

“Walang lumitaw na ganu’ng isyu e. So ibig sabihin, talagang hindi nagbibigay si Dennis ng sustento sa kanyang mga anak,” malinaw na sagot naman sa kanya ni Cristy.



Dennis Padilla, hindi sinusustentuhan ang tatlong anak? “Alam ko na alam ni Julia…”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments