Ang viral story ng isang guro at estudyante sa araw ng graduation
Tunay na pinanggigilan ng marami ang naturang kwento lalo pa’t ang graduation ang isa sa pinakamasayang bahagi ng isang estudyante.
Kaya naman lahat ay talagang makaka relate sa kwento kapag graduation na ang pinag-uusapan dahil lahat naman tayo ay gustong maka graduate mula sa pag-aaral.
Nitong nakalipas na araw lamag ay viral at usap-usapan sa facebook ang ibinahaging kwento ng isang netizen ukol sa kabutihang ipinakita ng isang guro sa isa sa kaniyang estudyante sa araw mismo ng graduation nito.

Ibinahagi ni Van Ness sa kaniyang facebook account ang mga litrato mula sa kaniyang kaibigang guro ang pangyayari sa pagitan nito at ng isang estudyante.
Sa kwento sa likod ng mga litrato ay napansin umano ng gurong si Christian Carpio ang isa sa mga graduating student habang suot ang sapatos nito.

Kapansin-pansin umano ang sapatos na suot nito na nababalutan ng scotch tape upang magamit umano ng estudyante sa araw ng kaniyang graduation.
Wala umanong pag aalinlangang hinubad ni Carpio ang kaniyang suot na sapatos at saka ibinigay iro sa naturang estudyante upang masuot sa pag akyat niya ng stage.

“Kinukuwento ko ito hindi upang mag-malaki, bagkus upang sila nitong guro sa kwento ng Mindanao Voices ay pamarisan — lalo na noong mas may mga kakayahan sa buhay,” pahayag ng guro sa isa sa mga interview sa kaniya.
Ayon pa sa mga kuwento ay kilala sa kanilang eskwelahan si teacher Christian Carpio bilang isang mabuting guro sa kaniyang mga estudyante.

Guro ipinahiram ang kaniyang sapatos sa isang graduating student
Source: Babaero Balita


0 Comments