Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Lolit ipinagtanggol si Kris mula sa bashers matapos punahin ang pearl necklace nito

ipinagtanggol ni Lolit SOlis si Kris Aquino mula sa mga bashers nito

Sa nagdaang araw lamang ay naging usap-usapan ng social media ang ilan sa latest update ni Kris Aquino hingil sa lagay ng kaniyang kalusugan.

Nasa amerika ang Queen of all Media upang doon ay magpagaling na sa kaniyang sakit kasama ang dalawang anak niya.

Marami ang nakisimpatya kay Kris dahil na rin sa inilabas niyang video kung saan mapapanood ang malaking pagkapayat niya.


Kung ang ilan ay nagkumento ng panalangin kay Kris ay hindi naman mawawala ang tila mga bashers na sa kabila ng pinagdaraanan ni Kris ay may napupuna pa rin dito, pinuna ng ilan ang umano’y suot suot na pearl necklace ni Kris sa naturang video.

Pakli ng ilang bashers ay bakit na sa kabila ng malubhang karamdaman ay nagsusuot pa rin ng mamahaling bagay si Kris.

Sa kaniya namang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit ang pagtatanggol niya kay Kris laban sa mga naturang bashers dahil sa pearl necklace niya.

Dito ay ipinaliwanag ni Lolit ang kahalagahan ng pearl necklace at kung bakit suot suot ito ni Kris habang nagpapagaling pa siya.

“Marami nagri react duon sa suot ni Kris Aquino na pearl necklace, Salve. Akala ng iba, bakit maysakit na, naka south sea pearls pa na gamit sa loob ng bahay.

“Hindi nila alam na may feng shui na nagsabi kay Kris Aquino na panlaban sa sakit at mga negativity sa buhay ang alahas na perlas. Dahil ang pearl lang daw ang jewelry na buhay o may life kaya ito lang ang puwede absorber ng ating katawan,” ani Lolit.

Pag-amin pa ni Lolit na malaki umano ang paniniwala ni Kris sa feng shui at oriental medication kaya naman nagsuot ito ng pearl necklace.

“Kaya dahil naniniwala dito si Kris lagi siyang may suot na isang pearl jewelry araw araw, be it necklace, ring, pendant o bracelet. Si Kris talaga believer ng mga feng shui at oriental medication kaya naman traditional ang kanyang mga paniniwala.

“Maganda nga na lahat ng sinasabi sa kanya tungkol sa medical procedures o bagay ginagawa niya at sinusunod. Basta all prayers for the Aquino, Kris, Joshua and Bimby. Gagaling sila at magiging healthy , dahil marami ang nagmamahal sa kanila. More prayers please,” buong pahayag ni Lolit.

Read related here:

Kris nagbigay ng update sa kaniyang kalusugan, “This isn’t a permanent goodbye”

Kris may mensahe sa kaniyang yumaong kuya, “Noy, help me please, these 2 only have me”



Lolit ipinagtanggol si Kris mula sa bashers matapos punahin ang pearl necklace nito
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments