Patuloy na bumabasag ng record ang FPJ’s Ang Probinsyano
Muli na namang nagtala ng panibagong record ang longest running teleserye ng bansa na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.
Ang kanilang Thursday episode na FPJAP6 Habulan ay nagtala ng panibagong record nang malagpasan nila ang 300,000 Mark concurrent views.
First time for a Teleserye at sa Kapamilya Online Live na makakuha ng mahigit sa 300,000 concurrent views magmula nang magsimula ito sa pag stream.
Pumalo sa mahigit 321,373 concurrent views ang naturang episode, matatandaang nitong wednesday episode lamang ng magtala at mahigitan din nito ang dating record na pumalo sa 287,241 concurrent views.

Hindi na nga nakakapagtakang minamahal ng marami ang naturang teleserye dahil matapos ang anim na taon ay patuloy pa rin itong tinatangkilik.
Bukod sa pagiging most watched teleserye ng Kapamilya Online Live ay patuloy din itong namamayagpag sa tv ratings game.

Sa katunayan ay pasok pa rin ito sa daily Top5 most watched TV Program ng bansa sa kabila ng limited reach ng A2Z at TV5 kumpara sa GMA7.
Patuloy din itong nagtatala ng record pa dahil sa pananatili rin nito sa Top10 Series ng iWant TFC, samakatuwid ay pinapanood din maging ang mga replay nito bukod pa sa pagtutok sa oras niya.

Samantala bukod sa kapanapanabik na eksenang napanood ng mga kapamilya ay ginulat muli ng programa ang lahat sa panibagong cast na idinagdag nito.
Mapapanood na simula ngayong biyernes ang multi awarded actress na si Miss Charo Santos Concio, ano kaya ang magiging papel niya sa buhay ni Cardo?

Abangan gabi gabi ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5 at catch up via iWant TFC.
Watch related video here:
‘FPJ’s Ang Probinsyano’ post another record! breaches 300k Mark!
Source: Babaero Balita


0 Comments