Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Lumang ‘I Do’ video ni Princess Manzon, nabuhay dahil sa pagkakaugnay kay Tom?

Viral muli ang isang lumang video ni Princess Manzon dahil sa iniuugnay ito ng netizens kay Tom Rodriguez

Pumaibabaw muli sa social media ng lumang video ng ABS-CBN reality show na ‘I Do’, matapos na pag-usapan ang isa sa mga video clip nito.

Taong 2014 nang umere ang naturang reality show ng ABS-CBN na tumatalakay sa mga mag karelasyon kung saan sumali si Princess Manzon at boyfriend na si Harry Moris.

Sa isang bahagi ng programa ay nagkaroon ng pagtatalo sina Princess at Harry kung saan nauwi pa sa pagkaka hysterical ni Princess.


Ipinaliwanag ni Princess ang naging asal niya sa naturang programa na ayon sa kaniya ay resulta umano ng past relationship niya, hindi naman umano siya sinasaktan physically ng kaniyang naturang ex-boyfriend ngunit may ginagawa ito na hindi umano niya gusto.

“I was so scared kasi it never happened within our relationship, with me and Harry. It happened before with my past relationship,” kwento ni Princess.

“Hindi naman din po ako nilalapatan ng kamay before, but I’ve seen someone kasi in front of me doing something. ‘Yung past relationship ko, ‘yung nangyari po kasi no’n sobrang almost every month, merong gano’ng scenes.

“If there’s something wrong, either my side or his side, he doesn’t wanna take the blame or he would blame himself.

“I don’t know… he would punch something. I don’t think it’s right to do it on TV kasi he’s got a career na rin,” dagdag pa nito.

Hindi naman pinangalanan ni Princess kung sino ang tinutukoy niyang naging karelasyon niya ngunit ngayon nga ay nabuhay ang isyu at idinidikit kay Tom Rodriguez ng netizens.

Matatandaan kasing taong 2009 nang nagkasama sina Tom Rodriguez at Princess Manzon sa hit reality show na Pinoy Big Brother Double Up kung saan nagwagi si Melai Cantiveros.

Nang lumabas sila ay nagpatuloy ang nasimulan nilang pagtitinginan at naging mag jowa nga sila na tumagal din ng mahigit sa tatlong taon.

Si Tom Rodriguez nga ba ang tinutukoy ni Princess na hula ng netizen ngayon?, Hot topic sa ngayon si Tom Rodriguez dahil na rin sa hiwalayan nila ng asawang si Carla Abellana.



Lumang ‘I Do’ video ni Princess Manzon, nabuhay dahil sa pagkakaugnay kay Tom?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments