Magbabalik nga ba agad sa showvbiz si Dimples?
Ikinuwento ng aktres na si Dimples Romana ang kanyang mga plano sa oras na maipanganak na niya ang kanyang ikatlong anak na si baby Elio.
May ilang linggo pa raw ang aktres para maka-recover at makasama ang anak na inaasahang kanyang iluluwal ngayong Hulyo bago siya muling magpatuloy sa trabaho.
“Gusto ko po talaga sabihin na makakapagpahinga tayo pero ‘yung katawan ko po at pag-iisip ko at puso ko ay sadyang hindi ata talaga nagnanais ng kahit anong pahinga.
“I am sure marami sa atin, if not all of us, would agree that even if we wanted to, we just can’t,” saad ng aktres sa ABS-CBN News sa isang digital conference nitong Miyerkules kung saan inilunsad ng Generika Drugstore si Dimples bilang bagong endorser.

Paliwanag ng aktres, gusto man niyang magpahinga, kailangan niyang tustusan ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mga anak.
“Kahit gusto ko sabihin na magpapahinga ako ay magsisinungaling po ako sa inyo kapag sinabi ko ‘yan. Kasi marami tayong responsibilid sa buhay. Lalong-lalo na si Ate Callie is in Australia studying aviation. So magpipiloto po ang panganay ko,” paliwanag niya.
“‘Yung responsibilidad ko bilang ina ay nahahati sa tatlo: isang teenager, isang grade schooler at isang newborn.
“And, napagtanto ko na kahit gustuhin ko to focus as a mom of a newborn, just like many moms out there, it’s one of the most excruciating sacrifices you will have to do if you have children more than one.

“That you will have to wear different kinds of hats as a mom and in-accept ko na po,” dagdag pa ni Dimples.
Ibinahagi ni Dimples na ang pagpapaaral ng anak sa ibang bansa ay hindi ganun kadali lalo na sa pinansiyal na aspeto.
Nagpapasalamat na lang daw siya na naibibigay niya ang pangangailangan ng kanyang mga anak.
“I guess I will be resting for a few weeks to recover and also to be with baby Elio but in the same manner we also have to get back to work and make sure that our family will be provided for. Tag team naman kami ni Papa B.
“Pero sasabihin ko po sa inyo, hindi po kasi mura ang pagpapaaral sa anak sa ibang bansa. Diyos ko po! Talagang ang mga dasal ko ngayon ay doble-doble, napakahaba. Pero thank God ko po na kahit papaano ay naibibigay natin sa mga anak natin yung mga pangangailangan nila,” kwento ng aktres.
Dimples Romana, sasabak agad sa trabaho pagkatapos manganak?
Source: Babaero Balita


0 Comments