Kinahangaan ni Lolit Solis ang paglalantad ni Miel Pangilinan sa publiko
Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi ni Lolit Solis ang pag hanga niya sa anak nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan.
Matatandaang kamakailan lamang ay ibinahagi ni Miel Pangilinan ang kaniyang saloobin at tunay na kasarian sa kaniya ring Instagram account.
“This June, I am celebrating my first pride month as openly and publicly queer,” panimula ni Miel sa kaniyang paglalantad sa Instagram account niya.
“I really can’t figure out the words to say right now. it’s a really emotional and freeing time right now, and i’m endlessly thankful to my close friends and family who have supported me and shown me love as i’ve grown and explored my own gender and sexual identity.”

“I know it sounds silly, but posting this truly feels cathartic. i’ve spent so many sleepless nights over the span of much of my childhood and teenage life worrying and wondering about a plethora of things surrounding my identity.
“And it only feels right that i post this at the point i’m in now where i’m comfortable enough in who i am and who i love and how i choose to present. it’s kind of a full circle moment for me, in a way.
“Happiest and safest of pride months, allies and members of the queer community alike, and yes i am the gay cousin,” bahagi ng kaniyang pagkuwento.
Dahil dito ay kinahangaan siya ng showbiz columnist na si Lolit Solis, hinangaan nito ang tapang niya sa pag-amin sa mura niyang edad.

“Hanga ako sa anak nila Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan na si Miel ,Salve. Iyon paglalantad niya at pagiging open tungkol sa kanyang sarili, very courageous for a young woman like her.,” panimula ni Lolit.
“Talagang mas gusto niya na maging open kesa tago ang mga ginagawa at kung ano at sino siya talaga. Hindi kataka taka na maging supportive ang lahat sa kanya dahil meron siyang tapang na aminin ang tunay niyang katauhan.
“Hindi siya tulad ng iba na natakot maglantad at nauwi pa sa depression ang pagtatago. Siya, ng madama niyang kaiba siya, tinanggap niya at inamin agad.
“Take a bow, Miel you are really so honest kaya dapat lang na lahat suportahan ka. Bongga ka talaga, hugs and kisses,” ani Lolit.
Lolit sa anak ni Sharon na si Miel sa paglantad nito; “mas gusto niya na maging open..”
Source: Babaero Balita


0 Comments