Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Annabelle may ibinuking tungkol kay Ruffa, araw araw daw umiiyak?

Bakit nga ba araw araw na umiiyak si Ruffa Gutierrez?

Muling nasilayan ng madlang pipol ang naging bonding ng mag-inang sina Ruffa at Annabelle sa It’s Showtime para sa Sexy babe segment nito.

Gaya ng inaasahan ay nakita ng marami ang pagiging super close ng mag-ina lalo pa ang tila kantiyawan nilang dalawa lalo na ni Annabelle kay Ruffa.

Kantiyaw ni Annabelle kay Ruffa na araw araw umano itong umiiyak, nag ugat ito dahil sa isang contestant na malungkot dahil sa hindi nito nasilayan ang ama, dahilan upang maging personal ang kumento ni Annabelle.


“Yung tungkol sa tatay mo na nawala, hindi mo na siya nakita, magaling ka naman kumanta. Pagpatuloy mo yung singing career mo baka sumikat ka. Baka ang taray mo ang tatawag sa yo o magpapakita sa ‘yo tulad ng mga apo ko… 15 years di nakita ang tatay nila, ngayon nagkita-kita na sila.

“Baka swertehin ka… Galingan mo para gumanda ang career mo, sumikat ka, mami-meet mo rin ang tatay mo,” payo ni Annabelle.

Dahil sa kumentong ito ni Annabelle ay hindi napigilan ni Ruffa ang mapa teary eyed na agad ding napansin ni Vice Ganda.

“Ano ba yang to si Mommy, nakakaiyak yung comment mo, parang ako ‘yung natamaan,” kumento ni Ruffa para sa nasabi ng Ina.

Mabilis naman ang reply ni Annabelle at hiniritan ang anak, “Ruffa sa totoo lang, everyday ka nang umiiyak. Tama na yan.”

Agad namang dinipensahan ni Ruffa ang sarili at inaming madalas ang kaniyang pag-iyak dahil na rin sa kaganapan ngayon para sa kaniyang mga anak.

Matatandaang sa kaniyang Instagram account ay makailang beses siyang nagbahagi ng ilang kaganapan sa pag-alis ng kaniyang mga anak si Ruffa.

Ito ay upang bisitahin ng mga anak niya ang ama at ex husband niyang si Yilmaz Bektas na mahigit sa labinlimang taon din nilang hindi nakasama.

Sa latest update ni Ruffa ay nagkita-kita na nga ang mag-aama kaya naman labis labis ang kaniyang kasiyahan para sa kaniyang mga anak.



Annabelle may ibinuking tungkol kay Ruffa, araw araw daw umiiyak?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments