Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Natatakot ba si Vice na ipagpalit siya ni Ion para sa babae?

Natatakot nga ba si Vice na maaari siyang ipagpalit ni Ion Perez sa babae?

Sa latest vlog ng social media influencer na si Kaladkaren ay itinampok nito ang nag-iisang unkabogable star na si Vice Ganda.

Dito ay naging mapangahas ang mga tanong ni Kaladkaren na siya namang game na game pa ring sinagot ni Vice.

Napagkuwentuhan ng dalawa ang naganap na kasalan nila ni Ion noong Oktubre nang nakalipas na taon sa amerika kung saan kinikilala ang ginawa nilang union.


“Ang ‘now’ namin masaya kami. Wala kaming problema. Hindi perfect ang relationship namin, nagkakabuwisitan kami, nagkakatampuhan pero ‘di kami nag-aaway. Tapos walang threat sa pagsasama namin. Hindi naming nararamdaman ‘yun,” kuwento ni Vice.

Naging mapangahas naman ang sumunod na tanong ni Kaladkaren sa kaniya patungkol sa takot niya na mangyari sa relasyon nila.

Nagpakatotoo ito sa kanyang nararamdaman sa naturang tanong at sinabing hindi naman umano pumasok pa sa isip niya ang senaryo dahil na rin sa hindi ito ipinararamdam sa kaniya ni Ion.

“Hindi ko naman siya iniisip. Hindi ko siya ini-entertain, ‘yung thought. Pangalawa, hindi yun pinaparamdam sa akin ni Ion.

“At saka hindi ako naggugugol ng oras sa pag-iiisip ng pwedeng maging problema, na hindi pa nangyayari,” diretsang saad ni Vice

Sakali mang mangyari nga ang naturang eksena na iwanan siya ni Ion para sa isang babae ay idinaan niya sa biro ang sagot niya.

“If it happens, it happens. Bahala na kung mabaliw ako edi mabaliw. Kung humagulgol ako, humagulgol. Kung manabunot, mangaladkad ako ng babae, edi mangyari. Pero ngayon bakit ko pu-problemahin ‘yun?,” ani Vice.

Napag-usapan na rin lang nila ang hiwalayan ay naglabas ng kaniyang saloobin si Kaladkaren ukol dito na aniya ay ganoon din naman ang nangyayari sa mga straight couple.

“Alam niyo ‘wag niyo na iisyu niyan, kasi hindi lang naman po yung bakla ang mga pinagpapalit. Pati tunay na babae, lalaki ipinagpapalit.

“‘Wag niyo na isipin na dahil mga bakla kami ay ipagpapalit kami ng mga jowa namin. Masaya po kami,” saad ni Kaladkaren.

“Ang dami niyo nang iniisip sa buhay. Ang hirap-hirap ng mga buhay niyo, ‘wag niyo na kaming isama sa mga problema niyo.

“Kung mambabae si Ion, ‘wag niyo na isama sa problema niyo ‘yun,” natatawang hirit naman ni Vice laban sa mga nag ma-marites sa kanila ni Ion.

Sa huling bahagi naman ng vlog ay inimbitahan ni Kaladkaren si Vice na mag ninang sa paparating na kasal nila ng fiancee na si Luke sa England.

Read realated here:

Vice Ganda at Ion Perez may wedding ceremony sa Las Vegas

Vice Ganda dedma sa mga nega comments sa kasal nila ni Ion, next target ang magka baby?

Karla Estrada at KaladKaren, nagsigawan sa kalsada upang iparinig ang sinusuportahan nila sa politika



Natatakot ba si Vice na ipagpalit siya ni Ion para sa babae?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments